Eraserheads - Minsan lyrics

[Eraserheads - Minsan lyrics]

Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik
At kaniya-kaniyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y 'wag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin
Ay laging iisipin na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Minsan ay parang wala nang
Bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya

Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y 'wag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin
Ay laging iisipin na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang buhayin
Ang ating pinagsamahan

Ngunit kung sakaling mapadaan
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret