Flow G, Shanti Dope - Kamusta lyrics

Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Philippines

[Flow G, Shanti Dope - Kamusta lyrics]

Y-y young God

Kamusta ka sana ayos lang
Lagi lang akong nand'yan
Kaso lang ang damot ng bibig
Para sa'n pa kung handa 'kong makinig
'Pag gipit kung sa sarili
Mo masyado kang bilib
Mahihirapan ka lang nang mahihirapan
Kung ipipilit mong wala kang kahinaan
Kadalasan alak pa ang mas
Pinipili mong sandalan
'Di ka masaya nanghihiram ka lang ng tapang
Dama ko na may kinikimkim na
Hirap ka na rin tiisin
Kaso nasanay kang pinapakita na lahat
Ay kaya mo rin panisin
Hindi ka takot matulungan kung tutuusin
Takot ka lang na tuksuhin
Kaya 'di masagot kada tatanungin
Kung meron bang nakakubli?

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng
Mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Pero para makuha 'yung sa'kin mabuhay
Ang dami ng kasalanang nagawa
Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili
Pa'nong ikaw pa kaya?
Hindi madama 'yung lungkot o saya
Nagtataka lang bakit may hininga pa 'ko
Baka gumaan pabigat ng dala 'pag wala
Tulad ng kung anong bago
Habang 'yung katinuan nakakadena
Sa alak, usok, at tableta
Sa napalang mapait tatakasan saglit
Pagbalik gano'n pa din eksena (Huh)
Kulong sa sistema
Parang malaya sa laki ng selda
Kulang na nga lang ipako sa krus
Ang dami nanghudas para sa pera
Katulad nilang gusto pa 'ko masira
Kahinaan 'di ko maipakita
Layo ng gusto ko pa marating na
Naliligaw din 'pag walang gasolina
Kanina ay nasa dulo ng bangin
Lason sa hangin sarap damahin
May lubid sa puno sinabit daliri
Ko sa'king baril bago kalabitin

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng
Mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Buhay niya na hiniram ay kinuha
Pa niya nang hindi nagpaalam
Sa mga kaibigang nakatawanan
Sa dami ng 'di niya gustong naranasan
Sa mga huling hininga nya na
Lang inasahan mahanap ang kapayapaan
Hirap manalo 'pag nasa loob ng
Isipan ang pinaka naging kalaban (Ugh)
Meron bang dapat sisihin, paligid, sarili
Mundong magulo
Hindi ko alam kung kanino ba dapat
Ituro yung dulo ng hintuturo
Alam mong hindi ka makakalimutan
Hinaharap nagawang talikuran
Kinakausap ka habang nasa likod ng
Salaming may saradong pintuan
Malapit ka nang bumigay dama ko
'wag ka magmadaling maabo
Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka
Pa hanggang sa magkaapo
Kapag ganitong-ganito 'yung wala kaabot
Naabot ko kung ba't ka lito
Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino
Buhay parang byahe maraming hadlang
Ikaw na bahala kung pa'no mo sasakyan
Natural lamang na mabigatan
Kaya hanapin ang pampagaan
'Yan ang paraan, kasama yan
'wag mag-alala kung meron bang nakakubli

Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng
Mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti
At kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang
Sabihin ang iyong nadarama?
'Di mo gustong malaman ng
Mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret