Jake Zyrus - Bagyo lyrics

[Jake Zyrus - Bagyo lyrics]

Naririnig, kay lakas ng pintig
Nagbabalik, hangi'y sumasaglit
Sumisigaw, sana ngayo'y mawaglit
Umuusbong, tila bumubulong
May bagong hatid ang pagkakataon
Pagbibigyan o hahayaan na lang

Sabi ng isip, huwag nang tanggapin
Sabi ng puso'y muling mahalin

O bagyo, bakit hanggang ngayo'y naririto?
Bakit 'di magawa ang lumayo?
'Di matanto, o bagyo
Maari na bang buksan ang puso ko
Wala na nga bang pag-asang matanaw?
Bagong araw, o bagyo

Sumisilip kahit sa panaginip
Huwag ipagkait, konting liwanag mo
Na sasagip, turuan muling umibig

Sabi ng isip, huwag nang tanggapin
Sabi ng puso'y muling mahalin

O bagyo, bakit hanggang ngayo'y naririto?
Bakit 'di magawa ang lumayo?
'Di matanto, o bagyo
Maari na bang buksan ang puso ko
Wala na nga bang pag-asang matanaw?
Bagong araw, o bagyo

Unti-unting ika'y naglalaho
Upang bigyang daan, bagong araw
Natatanaw, o bagyo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret