Quest, Kiana V. - Permanente lyrics

[Quest, Kiana V. - Permanente lyrics]

Ang dami nang nagbago ang dami nang naglaho
Ang dami nang naiwan maliban lang sa'yo
Ikaw pa rin ang hanap
Ikaw pa rin pinapangarap
Ikaw lang ang kailangan ang tahanan ng puso

Kahit ulit-ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko wala nang iba
Ikaw lang sinta, oh yeah

Walang ibang hangarin
Walang ibang dinadalangin
Walang mamamagitan sa'ting mga puso
Ilang beses nang napagod
Ilang beses nang natalo
Ilang beses ding bumangon, lalaban
Sa ngalan ng pag-ibig mo

Kahit ulit-ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko wala nang iba
Ikaw lang sinta, oh yeah

Sa'n man tayo dalhin, handa 'kong harapin
Aking lalakbayin, dagat lalanguyin
Bundok aakyatin, kung dapat liparin
Lahat ay gagawin para sa'yo
Sa'n man tayo dalhin, handa 'kong harapin
Aking lalakbayin, dagat lalanguyin
Bundok aakyatin, kung dapat liparin
Lahat ay gagawin para sa'yo

Kahit ulit-ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko

Kahit ulit-ulitin natin ito
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Kahit magbago ang ikot ng mundo
Ikaw pa rin ang hahanapin ko wala nang iba
Ikaw lang, sinta wala nang iba, oh yeah

Pagbabago panibago
Hindi na magbabago pangarap
Pag-asa pag-ibig
Permanente

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret