1096Gang - Demi God lyrics

[1096Gang - Demi God lyrics]

Gagamitin ang kapangyarihan ng salita ko
Makikinig mga nilalang kahit, di tao
Sakin di na to bago
Para lang maging klaro
Depende sa sitwasyon kung mababago ang pabago
Bago bago bago kong plano
Yeah, bago dumating ang biyaya eh
Napaos na ko sa kakadaing
Yeah, di ko din kailangan gumaling
Lalong di ko ipipilit yokong magsinungaling
Lumulusong ka sa dagat kahit dami ng pating
Mas malawak sa ilalim baka di pa narating
Dito parin sa dilim
Bumobomba palihim
Dami na nakatuklas lahat gustong makatikim
Yeah, daming napraning sobrang good
Na parang homegrown
Mensaheng mainit na bumubutas ng ozone
Pag naririnig mo na yung boses ko at tone
Para kang kinukuryente at tumatagos sa bone
Yeah

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay
Lumilipad ako at tignan
Mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet
Yeah

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay
Lumilipad ako at tignan
Mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet
Yeah

Minamaterialize ko lang kung ano
Ang nasa isip
Waalang makakasilip na iba sa panaginip
Na pinapatakbo ko sa sagrado kong bungo
Na kinokonekta ko sa kamalayan ng mundo
Mga kaluluwang tuyot
Didiligan ko ng mga kantang
Sa kamalayan di humahadlang
At ang kalayaan ay makakamtan
Sa pamamagitan ng kaalaman na
Mula sa pag-iisip
Ng kagaya kong baliw sa mata ng makikitid
Na lubos ng na aliw sa materyal na pag-ibig
Pina-ikot ng paligid
Pinulikat kakasisid
Sa mga kaalamang ambabaw lang naman
Utak na sobrang gaan lumilipad sa kawalan
Walang laman kundi balita tulak ng bibig
Mga basurang nakikita kabig ng dibdib
Mukhang hindi ko na to kaya
Om namah shivaya
Kailangan na ng mantra para sa mga
Buhay na patay ang malay
Nananaginip ng gising tumatangkilik ng mga
Hindi kailangan nguyain ngumingite
Ngunit sarili nakagapos sa walang hangganang
Taning hanggang buhay ay matapos

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay
Tumilipad ako at tignan
Mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet
Yeah

Pumikit, mga tala sinungkit
Gamit lang ang isip ay
Tumilipad ako at tignan
Mo tignan mo kung pano ko hagupitin
Ang mga konsensya ng mga taong malulupet
Yeah

Lumilipad kailangan helipad
Sumasagad na parang demi god
Tablado matik kapag verybad
Sinasalbahe kapag verygood
Sagradong buhay ang hinahangad
Sinisipagan pag tinatamad
Sariling kayod ang nilalasap
Sariling takot ang hinaharap

Interpretation for


Add Interpretation

Add extended interpretation

If you know what the artist is talking about, can read between the lines, and know the history of the song, you can add interpretation to the lyrics. After checking by our editors, we will add it as the official interpretation of the song!

Latest added interpretations to lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret