Ex Battalion - Bounty lyrics

[Ex Battalion - Bounty lyrics]

Wooh! ExB!

'Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin
Kita, yah, yah, yah
Makukuha rin kita,  makukuha rin kita
Makukuha rin kita, yah, yah, yah

'Di man agaran, pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita

Emcee!
Ano bang sikreto mo? Ba't 'di ako makuntento?
(to)
Kailan pa kaya ako magkakaroon ng tyempo?
Kaya sira ang diskarte ko, balik sa dulo
Gaya ng iniisip ko
May pag-asa bang ibigin mo? ('Wag, 'wag)
Kung sakali mang aminin ko ang pagmamahal ko
Ay sasagutin mo, pero para bang malabo (Labo)
Hinahabol ang tingin mo sa malayo (Layo)
'Di ko maiwasang 'di matago (Tago)
Kagustuhan ko lang sanang maging tayo
Gusto na kita, mula dati pa lang
'Di mo pa ba nahahalata? ('Di pa ba?)
Kailangan pa bang tayong magturuan?
Para lang matutunan mo na, na ako'y lingunin
Kahit na sandali
Matagal ko na 'to na inaabangan
Kailan sasagutin? May pag-asa pa ba?
O baka naman ay paasahin mo lang, lang?

Ang tagal ko na kasing hinihintay
Na kung kailan mapapasa'kin ang
'yong mga kamay
Konting tiis, pwede ba, miss, pakibilis
Naiinip at naiinis
Na mag-antay para lamang sa
Isang matamis mong kiss kahit na ilang oras
Tag-init man o umulang malakas
Wala 'kong pake, sino mang mabanas
Basta kaya kong mag-antay sa
Labas ng bahay niyo
Kayang harapin ang tatay mo
Pabilibin ang nanay mo
Kasi aasawahin ka, 'yan ang pinakapakay ko

'Pag nagkita, masaya na
Hay nako, bakit 'di kita makuha?
Ba't hindi ka makasama?
Oh, jusko gusto ko siyang maging asawa

'Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin
Kita, yah, yah, yah
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, yah, yah, yah

'Di man agaran, pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita

Alam mo ba na makukuha rin kita?
'Di ko lang alam kung kailan
Pero dama ko malapit na
Tatandaan mo bilog ang mundo
Kaya mainip talo kailangan mo na tiyagain
Bago ko hilingin na sana sagutin niya 'ko
(Na, na) 'Di na 'ko nainip
Kakaabang sa iyo na dumating ka
Kaya sanay na akong maghintay
Habang nilalambing ka
Lagi akong nandito, nagbibigay motibo
Para mapansin mo rin ako at mahalin mo
Ikaw ang dahilan, kung ba't nililibang ko
Sarili ko hanggang 'yung "Oo"
Mo ay matikman ko
Darating din tayo d'yan, 'yun ang alam ko
Sasagutin mo rin ako at papakasalan mo

Para bang suntok sa buwan
Walang kasiguraduhan
Kahit sa'ng tingnan parang imposible
Kung ano o pa'no gawin
Kahit sapilitan mo 'ko
Na mapansin lagi lang pasimple
Lagi natotorpe, lapitan ka
'di rin nakakotse kung minsan pa
Tatagaktak, patak ang pawis
Sa kamiseta sa paglakad mag-isa
'Pag nakikita kita, ako'y napapangiti
'Pag hindi pa naka-cancel
Hindi pa pwedeng umuwi
Sinusulit na masilip ka sa bawat sandali
Padating na ba 'yung araw
Na aking pinakahihintay ko
Noon pa sa'yo, oh jusko
Baka bukas ako na bigla 'yung gusto
Na hindi ko kayang makuha sa
Kung ano mang dasal
'Di na kita papakawalan, mamahalin nang husto

'Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin
Kita, yah, yah, yah
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, yah, yah, yah

'Di man agaran, pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita

'Pag nagkita, masaya na
Hay nako, bakit 'di kita makuha?
Ba't hindi ka makasama?
Oh jusko, gusto ko siyang maging asawa

Hey! Alam ko na 'di patas ang mundo (Oh no)
Para sa'ting dalawa
Hahayaan mo na lang ba 'kong mahulog?
(Mahulog) kasi 'di ko alam kung napupuna
Mo ba pagpapapansin ko (yeah)
Halos mamatay na kakaantay na makagat
Ang mga labi mo (yeah)
Magsasalamin, ako'y nakatingin
Habang sinasabi ng aking isip

'Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin
Kita, yah, yah, yah
(Makukuha rin kita, makukuha rin kita, yeah)
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
(Makukuha rin kita, makukuha rin kita)
Makukuha rin kita, yah, yah, yah

'Di man agaran, pero katagalan
('Di man agaran, pero katagalan)
Makukuha rin kita (Makukuha rin kita)
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
(Hey, konting tiyaga lang) makukuha rin kita

'Pag nagkita, masaya na (Oh, oh oh)
Hay nako, bakit 'di kita makuha? (Oh)
Ba't hindi ka makasama? (Oh, oh oh)
Oh jusko, gusto ko siyang maging asawa

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret