Ex Battalion - Ikaw Kase lyrics

[Ex Battalion - Ikaw Kase lyrics]

Woah, yah, yah, yah thahahaha, wooh, ExB!
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh

Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago
Dahil sa'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo
Dahil sa'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo, oh oh

Dahil sa'yo sa kalokohan natigil ako
Sa titig mo tinablan at napa-ibig ako
Parang alipin mo 'ko kung iisipin
Kaya kahit sabihin niyo pang
Naging makitid ako
Isa lang ang ibig sabihin
Nahihiya mang amining
Ang dating hindi seryoso
Ngayon gusto kang kapiling
Hindi na mahalaga kung ano man ang past mo
Kapag kasama ka para bang araw-araw Pasko
Dapat sa'kin ka lang, baby, 'wag mag-alangan
'Di ako mahihiya na tabihan ka kahit pa saan
Wala akong pakialam sa kanila at tandaan
Kung bakit nagmahal uli ako, ikaw ang dahilan

Bakit ba gano'n unti-unti nang nagbabago
'Yung dating ikaw at ako para
Bang mas naging klaro
Tyak ako nasusugal kahit ga'no kalabo
Dahil ikaw nagbigay liwanag parang Meralco
Hindi na kayang itago pa
Kaya 'wag ka nang magtaka
Kung ba't biglang nagbago nung
Nagkakilala tayong dalawa
'Di na 'ko nagloloko dahil lamang 'yan sa'yo
Mga bisyong iniwanan at kinalimutan ko
Ang laki ng pinagbago ko
Nung dumating ka sa'kin do'n lang ako nabuo
Naging malapit 'yung dating akala ko malayo
Ah, basta kapag kasama kita masaya 'ko

Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago
Dahil sa'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo
Dahil sa'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo, oh oh

'Di na kailangan na babantayan mo pa 'ko
Tapat ako palagi at wala 'kong tinatago
Makakaasa ka sa'kin na hindi 'to mapapako
Lagi kang kakantahan kahit na
Mangawit ang panga-ko
Mamahalin ka't 'di magsasawa na
Sa'yo lagi na ipaalala
Kung pano iningatan ka nung una
Nung una palang kitang nakilala
'Di ko na kailangan na sabihin pa
Kasi dapat kong ipadama sa'yo na maniwala ka
At mas palalimin pa para mas pa-ibigin ka
Wala nang dapat isipin
Sobrang saya ko sa piling mo
Kung bakit umibig ulit ako
Ikaw ang dapat sisihin ko
Simula nung makita kita tsaka
Ko nakita na magka-iba
At mas madaling magbigay
Halaga kesa magpasaya

Ihahatid kita kahit na ga'no kalayo
Hanggang sa harapan ng inyong bahay
Magmamano pa 'ko lagi sa'yong nanay
At hindi rin ako tatanggi kay tatay
Kada bigay ng tagay
Mag-text at tawag ka kapag kailangan mo 'ko
Kahit alas-tres nang madaling araw pa seryoso
Ano bang pinakain mo, bakit nagkagan'to ako?
Sa'yo lang ako nakaranas na maging seloso
'Langhiya baka mahal na nga kita
At 'di ko na iyon ikakaila
Buti na lang, baby ay akin ka, akin ka

Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago
Dahil sa'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo
Dahil sa'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo

Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh

A-a-a-ano? A-a-a-ano?
Ano ba'ng nangyayari sa mundo?
Parang hindi na tama kasi parang ang gulo
Gusto kang alagaan ng taong 'di mo gusto
Habang sinasaktan ka lang naman
Ng taong gusto mo
Kaya takot na 'ko na magmahal
Pa kasi nasaktan na
Parang wala na 'kong ibang
Gusto kundi kumanta 'Kala ko wala na 'kong
Pag-asang makalasang kiligin
Pero sumugal pa rin kasi nand'yan ka
Napakadali mong mahalin at sa'yo ko rin
Naranasan na maging masaya kahit 'di hilingin
Wala nang dapat hintayin pa kasi dumating ka
Sa wakas ay naranas ko uli na kiligin pa

Dahil sa'yo, nag-iba ang mundo ko (Nag ba)
Dahil sa'yo, naging bago ang yugto (Bago)
Dahil sa'yo, nanibago na ako
Ba't ako sumasaya ngayon, ako'y nalilito
Ba't gan'to? Ibang-iba na aking tawa
(Thahahaha)
Ngayon sa'yo lang tumatawag (Bring-bring)
Dati paiba-iba ng sinasama
Ngayon ay 'di na kaya, ikaw lang mula umaga
Lagi nang nag-aabang, same spot
By a long shot
Na sa'yo ang kiliti parang G-Spot
Ikaw ang queen ako'y alipin mo sa palace
Magsisilbi sa'yo hanggang buhok ko ay malagas

Ang pagtitinginan natin, 'di ko na maitatago
Dahil sa'yo, ang buhay ko ngayo'y nabago
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo
Dahil sa'yo, ang buhay ko ay nabago
Dahil sa'yo, nagmahal kahit malabo
Hindi ka ikakaila kahit malayo
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo

Dahil sa'yo, ang buhay ko ay nabago
(Dahil sa'yo)
Dahil sa'yo, nagmahal kahit malabo
(Dahil sa'yo)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (Oh woah)
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo
(yeah, yeah)
Dahil sa'yo, ang buhay ko ay nabago
(Dahil sa'yo)
Dahil sa'yo, nagmahal kahit malabo
(Dahil sa'yo)
Hindi ka ikakaila kahit malayo (Woah ooh ooh)
Sabihin man nila na 'di pwede't malabo
(Ooh ooh)

Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh
Oh woah oh, oh woah oh

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret