Ex Battalion - Maghihintay lyrics

[Ex Battalion - Maghihintay lyrics]

Yeah, yeah, yah flip-D on the beat

Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

Kung meron mang isang hiling
Sana ay payagan na
Mahawakan ang kamay, sa'kin ay sumama ka
Iharap ka sa dambana (Dambana)
Para ika'y maasawa (Maasawa)
Kung meron mang isang hiling
Gusto ko sana ikaw na lang
Sana tuparin para 'di na maligaw
Sa'yo ako ay sasama (Sasama)
Sana ay nakatadhana (Nakatadhana)
Tayo sa isa't isa, ang sarap isipin
Gusto ko lang palagi, dito ka sa aking piling
Ikaw lang at ako, walang iba na magkasiping
Habang tayo ay nangangarap
'wag na 'wag isipin
Na iiwanan ka pa, 'wag ka nang mag-alala
Dahil hindi na papatak ang luha mo sa mata
Kaya kung papalarin, dito ka lang sa tabi ko
Kaya 'eto, naghihintay lang ako

Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

Napuyat na 'ko at naiinip
Akala ko wala nang darating
Ayokong maidlip, pinipilit ko na magising
Bangungot kong tinuring
'yung last na panaginip
Anak ng pating, pagod na 'ko nang kakaisip
Tapos dumating ka, handa mo ibigay
Pag-ibig na tinigilan ko nang maghintay
Nagdasal na ng Latin at iba't ibang nobena
Pero nung nagkita, 'kala mo pinlano na eksena
Maybe we can call this, dasal na sinagot
Tawag ko sa'yo'y can't be reached
Bigla kong naabot
Buti 'di ako nabagot kahit medyo ay takot
At kabado man sa'yo, 'eto na naman ako, lagot
Kaya kahit simangot, mapikon at ngumiwi
Kulubot man ang balat, maging abo at maputi
Ang buhok ay ikaw pa rin ang sa'kin bituin
Na titingalain at minsan pinangarap abutin

Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

Tapos na 'kong pagdusahan ang
Kahapong kay pait muntik masira ang bait ko
Sa dinanas kong sakit
Kaya sinabi ko na kahit sino
Pa ang papalit o sasaglit
'Di na sabik ang puso kong magmahal ulit
Nangulila sa nakaraan, ayoko nang isipin
Nagtapos sa umpisa, 'yung simula nakakabitin
Nung tumila yung ulan ay nagawa mong painitin
'Yung ayaw magpaalila, gusto nang magpaalipin
Buti na lang natikman ko munang masaktan
Kaya 'di ko kayang manakit kasi danas ko 'yan
Mas natuto na 'ko kung papa'no magmahal
At hindi tumatagal, 'pag may isang nananakal
Mahal, sa dami kong natutunan
Ikaw na lang ang kulang
Na sa kasalukuyan ay sapat na para pagtuunan
Bago pagdamutan, ba't 'di mo muna subukan?
Na sana magbubunga, 'pag ako'y pinahintulutan

Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret