Ex Battalion - PagMAMAhal lyrics

[Ex Battalion - PagMAMAhal lyrics]

Oh, ooh

Alam ko may mali ako
Kahit na nananabik pa sa yakap mo
Nagmamatigas ako
Gusto kong hawakan nang mahigpit
Ang 'yong mga kamay
'Wag kang aalis sa aking tabi
'pagkat 'di ako sanay
Kahit na ano man ang mangyari
Nand'yan ka palagi tinitiis lahat ng sakit
Hapdi para lang sa akin
Ma, kung marami man akong pagkukulang
Lahat naman 'yon ay aking pupunan
Ikaw ang aking tandayan, 'pag wala 'kong unan

Kahit ngayo'y malayo na
Tumatayo nang mag-isa
Iba pa rin ang 'yong dalang
Pagmamahal, 'pag nand'yan ka
Kahit 'di ko man masabi sa'yo, Ma
Kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik pa rin ako
Sa iyong, sa iyong pagmamahal

Pagmamahal sa'yong pagmamahal
Pagmamahal sa'yong pagmamahal

Mama, salamat at ikaw ang naging ilaw
Ng tahanan natin, ni minsa'y 'di ka nagkulang
Sa pag-aalaga at pagtitiyaga sa akin
Bilib din ako sa'yo
Sa iyong pinakitang pagmamahal
Kaya hanggang sa dulo, Ma
Ako'y saludo sa iyo, aking ina
Dahil natayo, naisulong mo ang pamilya natin
Na maayos na ikaw lang mag-isa

Alam kong 'di sapat ang papuri at salamat
Alam kong kulang ang mga halik pati ang yakap
Alam kong 'di ko kayang tumbasan
Ang mga luha't mga pawis
Na binuhos mo 'wag lang kaming magdusa
Ikaw ang nagbigay ng buhay, 'di ka naghintay
Ng pabuyang kapalit o masarap na tagumpay
Basta para sa iyo, walang 'di kayang ibigay
Kung ako'ng makikinabang, buhay man ibibigay
Inay, salamat
Kahit minsan po ay 'di ka tumalikod
Tinuro mo sa amin sa taas, 'wag makalimot
Pangako kahit sa'n makarating o makalibot
Ay baon mga turo mo, hindi ko malilimot

Kahit ngayo'y malayo na
Tumatayo nang mag-isa
Iba pa rin ang 'yong dalang
Pagmamahal, 'pag nand'yan ka
Kahit 'di ko man masabi sa'yo, Ma
Kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik pa rin ako
Sa iyong, sa iyong pagmamahal

Alam ko masaya ka nung ako'y ipanganak
Kaya mong isugal ang buhay mo at matiyak
Na ako'y lumaki, 'di hahayaang mapahamak
Lagi sa tabi, masasaktan, 'pag umiyak
Kahit na 'di ko man masabi sa'yo nang harapan
Na mahal kita, Ma, kahit na kadalasan
Meron mang katigasan ng ulo at ni minsan
'Di mo 'ko sinukuan at kahit nahihirapan ka
And'yan pa rin, nanay ko pa rin
Handa 'kong mahalin, kumapit man sa patalim
At alam ko na hindi naman
Gano'n kadaling maging ina
Pero isa ka sa pinakamagaling, Ma

'Di man ako ang pinakamabuting anak
Mabuti na lang handa ka na gawin lahat
Pagmamahal na sa iba'y hindi ko mahahanap
Hindi ka nagkulang na busugin ako sa yakap
At bilib ako sa'yong pagiging ina
Kasi kahit magkamali ako kakampi kita
Binibigay mo kahit para sa sarili mo na
Kaya hinding-hindi kita pagpapalit sa iba
Ma, umasa ka na ngayon
Wala ka nang sakit sa ulo
Natuto na 'ko sa mga pangaral mong tinuro
Mahal kita, Ma, kaya umasa ka na
Mula ngayon ipaparamdam kong mahalaga ka

Kahit ngayo'y malayo na
Tumatayo nang mag-isa
Iba pa rin ang 'yong dalang
Pagmamahal, 'pag nand'yan ka
Kahit 'di ko man masabi sa'yo, Ma
Kung gaano kahalaga
Hanggang ngayon nananabik pa rin ako
Sa iyong (Sa iyong) sa iyong pagmamahal

Sa'yong pagmamahal sa'yong pagmamahal
Nasasabik pa rin ako sa'yong pagmamahal

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret