Ex Battalion - Sama-Sama lyrics

[Ex Battalion - Sama-Sama lyrics]

Flip-D on the beat

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan
Kung may problema tayo tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

Simula pa nung una, 'pag ako may problema
Alam kong may matatakbuhan, sasandalan
Walang iwanan
Kahit anong sabihin niyo, mga kapatid ko 'to
Kasama ko 'to sa hirap o ginhawa
Magunaw man ang mundo
Tsaka iba talaga saya na 'yong dala
'pag tayo ay sama-sama na
'Yung tipo nakakalimutan mo ang lahat ng
Problema mong dala, basta gano'n na nga
'Pag tayo'y kumpleto na mas masaya
'di ba? yeah

Gusto ko kasama kayo sa kulitan, sarap
Walang iwanan
At kahit na minsan nagkakaro'n man tayo
Ng hindi pagkakaunawaan, tampuhan at galit
Awayan
Pag-usapan na lang sa tagayan, 'di makatiis
'Pag nakitang nakangiti, apiran, wala na 'yan
Sabay halakhakan at palakpakan kahit
Na walang nakakatawa
Ganyan kabaliw, 'pag magkakasama
Mapatingin lamang sa bawat isa
At bukod pa sa samahan natin na sa
Kabila ng mga pagsubok kasama kita
Nararanasan mas masaya lagi basta, tara na

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan
Kung may problema tayo tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

Kami ay mga magkakapatid
Magkakaibigan lang tignan
Nagkakapikunan man minsan
Walang pwede na mang-iwan
Kami din ang magkakasangga sa
Lahat kahit ga'no kabigat ano mang hirap
Mapapalitan ng sarap basta tayo ay magsikap
Sagana sa tawa
'pag kasama sila pero hindi na bago
Walang kasing-saya kaya sa kanila
Kumpleto na 'ko may kapatid ka na, may tropa
Pa, eh 'di quota, quota na
Wala na 'kong mahihiling
Sa kanila pa lang ay sobra na

Sila 'yung tipo na solid kasama
Mga kadikit sa hirap at ginhawa
Kahit magkakalayo darating kaagad
Kapag napasama ka
Walang iwanan, 'pag sagana
Lalo na kapag ka wala na
Sabay-sabay na magkakaroon
Hanggang maubusan ay magkakasama
Magkakapatid, magkakadugo kung minsan
Man ay nagtatalo
Pero sinisigurado ko walang magpapabaya
'pag may naagrabyado
Kaya lagi nang panatag basta
Sila sa'kin na bahala
Walang dahilan para mag-iwanan sa
Isa't isa kami'y nagtitiwala

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan
Kung may problema tayo tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

Kaya walang iwanan, walang iwanan tayo
Asahan mo na magdadamayan tayo
Kahit ano man ang problema ng bawat isa
Babangon tayo kahit tayo pa ay madapa
'Di magpapahalata, ganyan lang dapat
'Di magpapaawat sa pagsubok ma'y subukin
Dapat tayo ay maging handa

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan
Kung may problema tayo tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan
Kung may problema tayo tayo lang
Din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama, 'pag may kasiyahan
Kaya't sama-sama tayo na parang
Parang magkabarkada lang

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret