Loonie - ARÁL (feat. Ron Henley, Apekz, ABRA) lyrics

Loonie [Marlon Peroramas]

Ron Joseph Henley

APEKZ [Mark Anthony Cadiente]

ABRA [Raymond Abracosa] Philippines

[Loonie - ARÁL feat. Ron Henley, Apekz, ABRA lyrics]

May isang manunula
Galing sa dilaw, puti, asul, pula
Makamandag kapag dumudura
Punong puno na yung mga pumupuna

Wag puro kuda
Pag nakatutok tyak matututo ka
Kayang tumugma kahit natutulog pa
Bawat rima siksik sa pulbura

Kada may ibabagsak parang bomba
Naglalaman ng nuklear yung nukleo at mga kromosoma
Parang oso na nakalunok ng coca
Aral na parang meron toga
Alam ko kung kapos o sobra o kung san babagsak yung bola

Markang iniiwan ay may bilang kaya di lang puro salita
Meron pang aral na di mo mapupulot sa iba
Unipormeng pinaglumaan upuan na sinulatan
Pag-aralan para di bulag saking kinamulatan

Para malaman mo na yung mga labi mo'y bagay sa talampakan ko
Puno ng kumpyansa kaya ang mukha ko lalong kumapal
Di lang kinabisado talagang aral kaya tumagal

Baon ko'y mga letrang pang eskrima
Gamit ang de kahoy na pluma ng sinaunang eskriba
Inukit ng kanang kamay ni shiva
Tagapaghatid ng mga pangmesiyas na propesiya

Isa-isang inupuan, mga gawaing-bahay
Ramdam ko na hanggang sa batok ko, nakakangalay
Wala mang agarang gantimpala, makikibagay
Sampung libong oras ang sinadyang pagsasanay

Di lang to basta mairaos
Hakbang kelangang isaayos
Eto na yung napiling sapatos
Mula edad disi sais anyos

Langoy hangga't di humahangos
Sa pagsagwan, hindi natatapos
Bakasakaling makagawa ng dalawang alon sa iisang agos

Garantisadong may basbas ng Maykapal
Sinamahan ko ng kilos ang gramo gramong dasal
Pataas lang ang buga parang bunganga ng taal
Di lang basta praktisado, talagang aral

Kilalang hibang klase ang superego, Sigmund siko-analitiko
Puwersa ko mala-Enki, subersibo, Anunnaking siyentipiko
Tungkulin kusilbahin ang sining gamit retorika't diyalektiko
Kahit sarili ko lang ang kausap ko, anumang lalim ay sisid ko

Palabirong ito, napakapilyo, dating lagi lang happy-go-
Lucky 'to hangga't sa mommy ko, matigok, buhay nahinto, naging rocky road
Mapait na matamis, na 'di mo maintindihan, ba't nangyayari 'to
Anumang mangyari mangyayari 'to, kaya sulitin ang oras habang narito

Saksi ko si Asherah, inang kalikasan ang power up
Kasikatan ang handicap, katibayan ang magic lamp
Ba't pinanganak? matik rap, natural, pati acting chops
Choppy flow niyo tunog Charlie Chaps habang godly flow 'to kumbaga Great Flood

Mula pa sa Tusita, bumisita saglit bilang turista
Ilang ulit na, naulila, sa mundong puro oportunista
Masokista na Budista, gabayan pati mga manunuligsa
Marunong gumitna, talagang aral
May pagka-Da Vinci pa kung puminta (brraa)

Minani ko ang Mensa exam, mala Nikola Tesla
Pag inunat ang utak kayang palibutan ang Edsa
Mga obra maestrang parang ipinasok sa selda
Habang reclusion perpetua na ang hinarap kong sentensya

Singhaba ng dinaanan ko hinanda kong pasensya
Michelangelo Buonarroti nung tinatapos ang Pietà
Bawat piraso ng letra mala Picasso ang pyesa
Pag ganyan kataas ang halaga, malamang di ganong mabenta

Pero di ko habol ang pera, preparado sa giyera
Kabisado ang laro parang beteranong atleta
Kilalang tigabago ng meta, delikado ka repa
Magpasalamat ka nakulong ako at nakapagpahinga nung pandemya

Biglang nag iba yung eksena
Daming mga batang umentra
Tanda ko na yata punyeta
Dinaan ko na sa eksperyensya
Napakatagal naming sinaliksik ang sistema
Talagang aral kahit ibahin pa ang eskwela

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret