NERO, Klin abad - Tubbataha lyrics

[NERO, Klin abad - Tubbataha lyrics]

Bakas sa buhangin ang paglalakad
Tanda yan na alam mo ang tatak ng paglalayag
Sabi pa nila dapat sumasabay ka sa agos
Ngayon sa dalampasigan mo napadpad kaya pag

Merong bisa na mahirap mawala
Kinapitan ng karisma't namangha
May talang pagtumitingin ka'y bumababa
Tubbataha nangibabaw napasailalim sa ganda

Pagbangon ng mga paa, baon ang mga dalang
Dagok sa kahapon ko, galos at mga amba
Bago nang malaman kong tangan mo ay ang ganda
Di na nabitawan nung natuto ka nang magdala

Sa barkada ko di mapalagay
Wala kang hinihingi mas pinili kong bumigay
Kung ikaw ay bituin ako'y lumuluhod sa tala
Bilang pagpapaliwanag ng perpektong halimbawa

Gusto kang malapitan kaso sa malapitan
Naiiling sa iilang tinging nilalaliman
May tamang naiiwan! Mali ba? na maliban
Sa alak ay ngiti mo'ng may mas tamang naiiwan

At gusto ko na matamo ang mga mata mo
Hirap na makatapat ng makakatagpo
Kusa mong inaabot lahat ng kiliti mo
May kumpletong mga ngipin na kumagat sa biro

Merong bisa na mahirap mawala
Kinapitan ng karisma't namangha
May talang pagtumitingin ka'y bumababa
Tubbataha nangibabaw napasailalim sa ga, nda

Sinisipag 'kaw na ang pinagkaabalahan
Di masilipan ng butas nung nagkakasalaan
Ako ang bihag at ikaw ang di ko papakawalan
Ako ay di man isang amo
Ang hawak sa balakang

Abang abang na lang ba sa kasunod
Na kabanata na atat na mapanuod
Ikaw may nagiisa parang napapaligiran
Ako ng realidad na napapanaginipan

Nahihibang sa ihip ng naiibang
Kalam ng tyan tuwing ang oras ay nagbibilang
Tumatakbo pagkasama kita
Nangungusap ang mata kapag nagsasalita
Panliligaw ay di mundong umiikot
Sa isang araw
At ako'y nanatiling timbang hindi umaapaw
Nakakatuwang malamang namanhid ang katawan
Na ang dating katuwaan lang
Ang naging katuwang

Merong bisa na mahirap mawala
Kinapitan ng karisma't namangha
May talang pagtumitingin ka'y bumababa
Tubbataha nangibabaw napasailalim sa ganda

Lumipas ang mga araw nadamay ang anino
Liwanag saking palad ang nagsabing hiningi mo
Kung pano ba dumaan saking bayan paguwi mo
Hanggang sakin na bumase ang
Napili mong destino

Ayokong magsinungaling tama man eto't mali
Pagikaw ang palapag, mahulog ay madali
Nagwagi ng magdikit ang mga labi
Sinakop ang palasyo kung sa'n ako naghari

Ohh hari! kaya laging may reynang katabi
Sa kwadrado na mundo isang
Hakbang lang palapit
Sadyang wala kong pamalit
Sa damit naging pihikan
Malagkit ang bawat titig
Nadulas nung nagtinginan

Naglagi sa daan tabi ng hagdan
Para makita mong ibig namang
Sabihin nito'y masamahan ka
Sayong napiling hakbang
Meron dalang mahikang natural mong makikita
Pagkat sadyang mapangakit sa
Gayuma ang karisma

Tadhana na nagbibiro at nagpapatawa
Si bathala ang bahala ngunit
Satin nya pinapagawa
May taaalang pagtumitingin kay bumababa
Tubbataha

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret