Radioactive Sago Project - Astro lyrics

[Radioactive Sago Project - Astro lyrics]

Para sa tunay na lalaki
Para sa tunay na lalaking hindi natatakot
Para sa tunay na lalaking hindi
Natatakot tumalon sa bangin
Para sa tunay na lalaking
Lumalangoy sa salamin

Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Eto na ang totoo eto na ang totoo

Para sa tunay na lalaking
Lumilipad at lumulutang
Para sa tunay na lalaking
Nagsu-swiming sa kalawakan
Para sa tunay na lalaking kumakanta
At rinoromansa ang buwan
Para sa tunay na lalaking kumakain ng buwan

Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Eto na ang totoo eto na ang totoo

Dahil ito na, ito na ang
Astro! Astro cigarettes!
Astro! Astro cigarettes!

Pagkatapos mong kumain, magyosi ka
Pagkatapos mong magyosi, matulog ka
Mahimbing ka, managinip ka
Mangarap ka, lumipad ka

Kagabi napanood ko sa tv
Ang aking paboritong artista, idol ko
Sabi niya sa'ken
"Bumilli ka ng Astro cigarettes"
Nagbebenta siya ng ilusyon
Nagbebenta siya ng panaginip
Nagbebenta siya ng pangako
At pangakong lumulutang na parang usok
Na galing sa isang malupit
At mabango at swabeng-swabe na
Umaapoy na astro cigarettes

Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Bumili na kayo
Ito na ang totoo, ito na ang totoo

Isang araw sa isang palengke sa Dumaguete
Nakakita ako ng Astro cigarettes, bumili ako
Ng isang pakete
Sumakay ng traysikel papunta sa buwan
At nagsindi, nagsindi, nag-relax, Nag-enjoy
Hinithit ang isang buong pakete
Binuksan ang mata at nag dancing dancing sa
Ibabaw ng mga planeta

Swabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Ito na ang totoo, eto na ang totoo
Ito na, ito na, ito na! Ito na ang

Astro! Astro Cigarettes!
Astro! Astro Cigarettes! Let's go!

Ito na ang Astro! Astro Cigarettes!
Astro! Astro Cigarettes!

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret