Radioactive Sago Project - Gusto Ko Ng Baboy lyrics

[Radioactive Sago Project - Gusto Ko Ng Baboy lyrics]

Gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
Gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

Alam n'yo
Bata palang ako mahilig na talaga ako
Sa baboy
Lagi ako nagpapabili sa nanay ko ng baboy
Sabi ko, "ma, bili mo ako ng baboy yung cute
Yung pink yung maliit yung may
Ribbon sa leeg " sabi ng nanay ko
"bakit mo gusting magpabili ng
Baboy, anak? "
Sabi ko, "dadalin ko sa eskwela kasi nay
Lahat ng tao mahilig sa baboy malay mo
Pag nakita ng teachers ko yung baboy
Matuwa sila kasi gusto
Nila ng baboy eh baka bigyan pa ako ng mataas
Na grado "
Sabi ng nanay ko, "hindi mo pwede dalhin ang
Baboy sa eskwela
Anak! Baka magkalat lang yan dun "
Sabi ko, "nay
Hindi mo ako naiintindihan buo ang
Loob ko, dadalin ko sa es-kwe la "

Kaya gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
Gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

Kaya, nung lumaki na 'ko
Hindi parin nawala ang hilig ko sa baboy
Palagi ako nagtratrabaho para
Makabili ng baboy minsan nga
Nagagalit na sa akin yung asawa ko
Dahil puro baboy, baboy
Baboy na lang daw ang nasa utak ko
Sabi niya, "walanghiya ka
Puro ka na lang baboy
Baboy, baboy, ang payat payat mo naman! "
Sabi ko, "walanghiya ka rin, hindi mo 'ko
Naintindihan baboy ang kailangan
Ng katawan ko
Baboy ang kailangan ng katawan mo baboy ang
Kailangan ng katawan nating lahat hindi mo ba
Alam, ang nagpapatakbo ng mundo ay baboy
Baboy, baboy hindi mo ba alam, diyos mo ay
Baboy baboy tama diyos natin ang baboy "

Kaya gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
Gusto ko ng baboy gustong gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

Let's all roll kaya
Gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gustong
Gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
Gusto ko ng baboy gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
Gusto ko ng baboy gustong gusto ko ng baboy
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
'Lam n'yo, maraming klaseng baboy sa mundo
May baboy na maliit, may baboy na medium-size
May baboy na extra large
Pero kahit anong gawin
Nila, baboy pa rin sila
Pare pareho lang mga baboy na yan
Kahit anong sukat may baboy na dilaw, may
Baboy na asul, may baboy na pula
May baboy na
Puti, may baboy na pink, may baboy na green
May baboy na violet, may baboy na orange
Pero kahit anong kulay mga yan
Baboy pa rin ang mga yan!
May baboy na matalino, may baboy na bobo, may
Baboy na macho
May baboy na seksi, may baboy na bakla, may
Baboy na mahirap, may baboy na mayaman
Mas baboy ka pag mayaman ka may baboy na
Businessman, maybaboy na musikero, may baboy
Na makata, may baboy na basketball player
May baboy na baranggay tanod, may baboy na
Konsehal, may baboy na mayor, may baboy na
Congressman, may baboy na pulis, may baboy na
Teacher na nagtuturo ng
Kung anu-anong klaseng kababuyan
Kaya wala na tayong magagawa, wala na tayong
Magagawa
Napapaligiran tayong lahat ng baboy!
Teka, pag-isipan natin 'to!
Baka, ako baboy, siya, baboy
Ikaw, baboy 'yun, baboy
'Di kaya baboy tayong lahat! Kaya
Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy
Ayoko na ng ba, ba, baboy, biik
Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy
Ayoko na ng ba, ba, baboy man!

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret