Roel Cortez - Pinay Sa Japan lyrics

[Roel Cortez - Pinay Sa Japan lyrics]

Mahal, 'wag mo akong iwanan
Pangarap mong pumunta sa Japan
Labag man sa loob, kita'y pipigilan
Kahit magalit ka, ako ay hahadlang

Kahit magtampo ka sa akin
Ginagawa'y para sa'yo na rin
Baka matulad ka sa 'yong kabarkada
Ngayon, siya'y nagdurusa

Marami nang Pinay sa Japan
Na minalas ang kapalaran
Isipin mo lamang, anong sakit naman?
Kung sa kanila, ika'y makabilang

Baka tuluyan kang masilaw
Maging daan para malimutan
Doon ang paligid, sadyang mapang-akit
Baka ang puso ko'y iyong ipagpalit

Marami nang Pinay sa Japan
Na minalas ang kapalaran
Isipin mo lamang, anong sakit naman?
Kung sa kanila, ika'y makabilang

Kahit magtampo ka sa akin
Ginagawa'y para sa'yo na rin
Baka matulad ka sa'yong kabarkada
Ngayon, siya'y nagdurusa

Marami nang Pinay sa Japan
Na minalas ang kapalaran
Isipin mo lamang, anong sakit naman?
Kung sa kanila, ika'y makabilang
Isipin mo lamang, anong sakit naman?
Kung sa kanila, ika'y makabilang
Isipin mo lamang, anong sakit naman?
Kung sa kanila, ika'y makabilang

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret