TJ Monterde - Walong Bilyon lyrics

Titus John Monterde

[TJ Monterde - Walong Bilyon lyrics]

Sa walong bilyong nakasilong
Ikaw ang aking nakasalubong
Ating awit ay iginuhit ng langit
At araw-araw napapatanong
Paanong natupad aking bulong
Kung bakit sa tulad ko'y napalapit

Pa'no nangyaring sa'kin napatingin?
Sa libu-libong mga bituin
'Di ko mawaring ikaw ang para sa'kin
Dalangin kita, ha-ah-ah, ha-ah-ah-ah, ha-ah-ah-ah-ah

Kung kalawakan man ang pagitan
Tadhana lamang ay ating sundan
Dahan-dahan sa dulo'y ating tagpuan

Pa'no nangyaring sa'kin napatingin?
Sa libu-libong mga bituin
'Di ko mawaring ikaw ang para sa'kin
Dalangin kita

'Di inakalang darating
'Di ka nagkunwa-kunwaring akin

Pa'no nangyaring sa'kin napatingin?
Sa libu-libong mga bituin
'Di ko mawaring ikaw ang para sa'kin
Dalangin kita, ha-ah-ah, ha-ah-ah-ah, ha-ah-ah-ah-ah
Ha-ah-ah, ha-ah-ah-ah, ha-ah-ah-ah-ah
Dalangin kita

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret