Maki - Halaga lyrics

[Maki - Halaga lyrics]

Oh, ilang kanta pa ang kailangang awitin
Para maniwala kang hindi ko nais mag-alay ng walang katuturan
Walang pupuntahan

Huwag kang titingin pa sa iba
Ako na lang ang 'yong titigan at mahika sa gitna ng ulan
Ipapakita sa iyo ang aking mahika
Huwag nang mag-alala

Dahil ika'y isasayaw rin
Sa ulap man o sa ilalim ng buwan
At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan
Hindi na masasaktan

Oh, ilang luha pang kailangan na pumatak
Para maisip mo ang 'yong halaga na hindi nakikita ng iba
Kita naman kita

Nais ko lang malaman mong 'di kailangan magduda
Sa'yong sarili sa oras na ika'y
Nababalisa aking ipapaalala na ika'y mahalaga

At aking ika'y isasayaw rin
Sa ulap man o sa ilalim ng buwan
At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan
Hindi na masasaktan

Huwag nang mag-alala, ika'y mahalaga
Huwag nang mag-alala, ooh
Huwag kang mag-alala, ika'y mahalaga

Dahil ika'y aking mamahalin
Araw-araw ay pipiliin kita
At kahit kailan, 'di magbabago ang nararamdaman
(hanggang walang hanggan)

Dahil ika'y isasayaw rin (ooh)
Sa ulap man o sa ilalim ng buwan (sa ilalim ng buwan)
At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan (pangalan)
Hindi na masasaktan

Huwag nang mag-alala (huwag nang mag-alala)
Ika'y mahalaga (ika'y mahalga, woah)
Huwag nang mag-alala, ooh
Huwag nang mag-alala, ika'y mahalaga (ika'y mahalaga)
Huwag nang mag-alala, ooh

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret