Hank Valencia - Dikit lyrics

[Hank Valencia - Dikit lyrics]

Minsan na nga lang tayong magkikita-kita
Hindi ka lang kumikibo
Minsan na nga lang tayong magsasama-sama
Ngunit ika’y nagbago
Sinayang mo ang panahon noong masaya pa tayo
Kaya lagi ka lang lumalayo
Tila may nakasaksak na mahirap tanggalin
Nakakasakit ng damdamin

Ating ipunin ang nakakalat na katiting
Nang walang anumang kapalit
Magkapit-bisig tayo na singtibay ng dingding
Doon tayo magkakadikit

Hindi naman masamang humingi ng tulong
Basta nandito lang kami para sa’yo
Ang mga bundok at burol ay kailangang isulong
Nang kayo’y hindi na muling mabibigo

Wala na, wala na, wala nang aatras
Wala na, wala na, wala nang susuko
Kailangan, kailangan
Kailangang maging malakas
Kakapit lang, kakapit lang
Kakapit hanggang sa dulo

(Minsan na nga lang tayong magkikita-kita)
(Wala na, wala na, wala nang aatras)
Doon magkakadikit
(Minsan na nga lang tayong magsasama-sama)
(Wala na, wala na, wala nang susuko)
Doon magkakadikit
(Minsan na nga lang tayong nakipagkwentuhan)
(Kailangan, kailangan
Kailangang maging malakas) doon magkakadikit
(Muli nating buuin ang magandang samahan)
(Kakapit lang, kakapit lang
Kakapit hanggang sa dulo)
Tayo’y magkakadikit

Interpretation for


Add Interpretation

Add extended interpretation

If you know what the artist is talking about, can read between the lines, and know the history of the song, you can add interpretation to the lyrics. After checking by our editors, we will add it as the official interpretation of the song!

Latest added interpretations to lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret