Parokya Ni Edgar - Alumni Homecoming lyrics

[Parokya Ni Edgar - Alumni Homecoming lyrics]

Hi, this is Gilbert Magat on vocals
Charvis Manlabat, singer
Ric Mercaro, Jr in guitars
Duke Mejares on bass
Ako si Tomtom Alarcon on drums
And I'm Tito Ralph and we're Bigotilyo

Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
High school pa tayo nung una kang nakilala
At tandang tanda ko pa
Noon pa may sobrang lupit mo na
'Di ko lang alam kung pa'no
Basta biglang nagsama tayo
'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako

Mula umaga hanggang uwian natin
Laging magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang nangyari sa'kin ang lahat
Tila isang dulang medyo romantiko ang banat
Ngunit nang mapag-usapan
Bigla na lang nagkahiyaan
Mula noon hindi na tayo nagpansinan

At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang 'di inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Panay ang plano, ngunit panay ang urong
At inabot na ng dulo ng taon!
Graduation natin nung biglang
Nag-absent partner ko
Tadhana nga naman, naging mag partner tayo
Eksakto na ang timing
Planado na ang sasabihin
Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi

At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Sobrang alam ko na ang aking sasabihin
At ako'y napailing sa ganda
Ng ngiti mo sa'kin at nang ikaw ay nilapitan
Bigla na lang napaligiran ng 'yong mga anak
Mula sa pangit mong asawa

At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Wala nang nagawa wala nang nagawa
Wala nang nagawa

Interpretation for


Add Interpretation

Add extended interpretation

If you know what the artist is talking about, can read between the lines, and know the history of the song, you can add interpretation to the lyrics. After checking by our editors, we will add it as the official interpretation of the song!

Latest added interpretations to lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret