Abaddon - Pare lyrics

[Abaddon - Pare lyrics]

Tol, ano bang nangyari
Ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari
Magbago ka na kasi pare

Ano na naman pre ang dinala mo nakaguluhan
Mga aral na pinabaon ko sa'yo
Ay 'di mo matutunan ilan beses na nadagukan
Nabatukan at napuruhan
Mukhang 'di ka matatauhan hanggang
Sa ikaw ay maputulan
'Di ka na nagsawa ano ba naman
Pre tigilan mo ang paglandi
Ilang ulit ka nahuli ni mare
Kaya 'wag ka ng umarte
Kasalanan mo'y 'wag itanggi
Payong kaibigan lang tol 'di
Naman sa kaniya kumakampi
Kaso ang matindi baka dumating pa
Sa puntong naisipan niya gumanti
Ano bang problema pre?
Nawala na ang dating ikaw na malambing
'Pag meron kang hinahanap ay hindi
Ka na sa kaniya nakatingin
Kung ituring mo na lang si
Kumare ay parang mannequin
Na nakaitim pa nasa dilim
Magbago ka pre kung ayaw mong maglaho kami
Uminom ka ng maraming kape sa
Tuwing ikaw ay nangangati
Pero kung wala ka naman na paki
Na makarne 'yong pinagmamalaki mo
Malaya ka pre
Sa susunod 'wag kang papahuli pagbutihan mo
Galingan mo kasi

Nakakaawa ka naman pare
Lagi ka na lang sa labas natutulog
Kabilang ka na sa ibang klase
Kasi 'di ka natututo, ang tigas ng ulo mo

Tol, ano bang nangyari
Ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari
Magbago ka na kasi pare

Ang daming takot mangapa sa dilim
Pero si pare iba
Pagka-sinabi mong dapat magbago ka na
Bukas may bago na siya
Iba talaga sa payo hindi
Aksayado kasi masunurin masyado
Ang sabi ko baka mahuli kayo
Mas ginalingan niyang magtago
'Di ka ba natatakot, dami na kinakamot
Magkakaiba pa hagod sa dami
Ng problema mong hinahakot
Hindi ka pa napapagod lakas ng loob
Kasi kahit andaming gusot
Ay palaging nakakalusot
Kasi puro kutob lang si mare hindi niya
Mayari si pareng utog na utog
Ang hirap mo mapasunod halatang
Masama sa loob (yeah, yeah)
Lalo na 'pag sinasabi sa'yong masama sa loob
(ooh)
Walang pinag-iba sa mga dati ko na napanood
Pwera usog
Pero kung pa rin pasugod karma na ang kasunod
(oh)
Kung ako sa'yo ay 'wag mo na 'yung abangan
(stop man) baka mabuang ka pagka- si
Mare naman nanabang, ewan ko na lang
Kung ano pa ba ang pwede magawa na paraan
Para ibalik ka sa katinuan
Unti-unti ka na naliligaw sa kawalan
Sa tigas ng ulo mo na nagkahawaan, taas, baba

Nakakaawa ka naman pare
Lagi ka na lang sa labas natutulog
Kabilang ka na sa ibang klase
Kasi 'di ka natututo, ang tigas ng ulo mo

Tol, ano bang nangyari
Ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari
Magbago ka na kasi pare

Pare ko ang tus mo malapit
Lapit ka ng malumpo
Dahil ang utak mong gamunggo
Ay gustong-gustong nagpapatukso
Baka dumating ka pa sa puntong tingin
Niya na lang sa'yo ay multo
Tigil mo na 'yan bago pa maisip
Ni kumare na magpa Tulfo
Oh nako diyos ko tapos ka
Akala mo ba ito'y laro lang
Na kapag nakasugat ka man
Pwedе mong idaan sa simple na gamutan
Pare ko, matakot ka baka makarma at mapakulam
Kaya bili mo na lang 'yan pera mo
Ng isang sakong bigas at ulam
Parе ko, labanan mo ang tukso ni Satanas
Dapat kang matuto kung ayaw
Mong matulog sa labas
Kung kasing lakas mo si Taguro
Siguro saka ka mag-angas
'Yung tipong 'pag pinalo ang ulo mo ng tubo
Walang dugo na lalabas
At sa tuwing ika'y inaatake ng kamunduhan
Mabuti pang itulog mo na lang
Hinto mo na ang 'yong kabaliwan
Bago ka pa maligaw at mapunta
Sa magulo na daan
Pero mukhang gusto mo naman
Basta may katulad ko esudya na 'yan
Sanay ka na matulog sa daan
Makuyog ang iyong buong katawan

Nakakaawa ka naman pare
Lagi ka na lang sa labas natutulog
(natutulog) kabilang ka na sa ibang klase
Kasi 'di ka natututo, ang tigas ng ulo mo

Tol, ano bang nangyari
Ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari
Magbago ka na kasi pare

Pare ko
Gumamit ka ng kumot para 'di ka ginawin
Pare ko
Magsindi ka'ng katol para 'di ka lamukin
Ang kulit mo kasi

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret