Tiny Montana - Where Ya From, Pt. 2 (feat. Mhot, Pricetagg, Six Threat, Abaddon, OG Kaybee) lyrics

Tiny Montana

Tomas Lynmuel

Jomari Espiritu

Six Threat

Venzon Malubay

Jomer Galicia [Kalbong Brutal]

[Tiny Montana - Where Ya From, Pt. 2 feat. Mhot, Pricetagg, Six Threat, Abaddon, OG Kaybee lyrics]

Panty Droppaz League
This is a Curse Box Production
I'm from the City kung saan
De-hins lang puro tos pa isa pang sabi mo
Huh? Part 1, kami-kami lang
Eh 'di kayo naman
Where ya' from, part 2, let's go

'Pag usapang Hip-Hop, parte ang Malate
'Di mo pwedeng maliitin laging kasali
Ambag sa kultura, puta, sobrang dami
Mula sa mga una, lalo kay Buhawi
Ako ang tatayo at boboses na para dito
San Andres, Malate, ang tanong
Ano daw meron dito?
Kargado sa talento, lalong lalo sa pambato
'Di na para magyabang
Kasi nga puro lowkey dito
Kung Tondo merong Asiong
Sa Malate may Kalawit
At bukod pa do'n, iba't ibang uri ng mga hari
Sa bawat eskinita, lugar at teritoryo
Sa lahat ng mga OG's
Na may kaniya-kaniyang trono
Shout out sa lahat ng gang, pagkakaisa
Iisang layunin, tatak lang ang magkakaiba
Pangkat na'ng bahala, BCJ Sputnik
Batang Onallera, do or die 'to matik

Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homiе? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)

Dasma, Etivac, iba't ibang tama
Minsan 'di buo ang diwa parang parirala
Samantala, mapadpad man sa tarima
Ng mga tamang hinala
Pakikisama na lang ang bahalang magpakilala
Pagpasok pa lang ng arko, aport sa kada kanto
'Wag ka matakot
Walang makaka-arbor kapag kargo
'Pag lumapag naman sa'n mang
Lupalop pa dumako
Napaka-utak at planado mala-argo
Nagpakilala sa ligang
Mabangis sa mga patagisan
Mabalasik at napakainam
Laban lang kahit sa'n makarating
Masakit man na maliitin ka sa kada palitan
Sa pamamagitan naman ng galing
Naipagmamalaki din ang pinanggalingan
Mula sa "Area", Hubog at Asta
Natutunang kumapa ng asal, sa'n man sumalta?
Pumapalag nang 'di lang basta bara bara
Kumasa kumbaga hindi mayabang sa kargada
Ang marunong magdala

Lumaki sa bandang "GS Sidе"
But, mukhang tila pa sa'kin naging pabor
Sa kalye, we be thrownin' that C sign up
Kung sa'n unang nahubog yaong magpaka-tirad
(Wait, hmm)
Balik tayo sa panahong 'di pa putok
'yun naman ang topic
Sa lugar kung sa'n lagi
Tumal raket, kulang gamit, kupal market
'Di usapan kung may arit o may talent
Pwera na lang
Kung may kapit o ma-arep, automatic ka, ahh
Medyo makulit nga lang 'yung
Dila 'pag pumunto
Dahilan daw kung bakit girian
Naman 'yung nauuso
Kanta'y puro daw panduduro
Turo nang turo nga raw
Pa'no ultimo kalaban natututo
And I'ma rep this City yo
Sa'n man napadpad nung bata, and all the shit
I owe dito'y tila tama na tinadhana
To help my city grow
But not just for DVO, para ni sa tanang yawa

Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)

Anak 'to ng Sampaloc, Sta mesa, La Union
Binitbit tatlong lugar parang
Champion ni LeBron ngayon niyo 'ko tanungin
Taga-sa'n ako ngayon
Kung sa'n ako nakatayo ay
Teritoryo ko na 'yun
Isinilang sa Casanas, lumaki ng Bacood
Kay Kamatayan
Patintero nung sa'kin may pasugod
At madaming nauna pero 'yokong sumunod
Inampon ng San Fernando
Tinanggap ko ng lugod
'Di pa uso Tiktok, lahat ay kumi-crip walk
Daming nalulong, lakad 'kala mo sleep walk
Madami dito Azkal, tuta naging BigDog
Meron ditong pistol
Kaya wala ding peace talk
Kungkreto aking gubat
'wag magpanggap na leon
Kung ayaw mong mabulaga na
Parang Joey De Leon
Nagpapanggap na laking kalye, 'di 'yon cool
Corny 'yun
Buhay ko pelikula Tony, Pablo, Corleone

Sa Valenzuela lumaki at tumubo, puro buto
Pero nagbunga dahil ang puno't dulo
Ay maglabas ng mensahe, hindi lang kuro-kuro
Kapag batang Cuadra, Mabolo
Hindi 'yan sumusuko
Dati hirap pang makasali
Pila mahaba at maraming
Nanghihila sa paa't hita para
'di ka maka-abante
Sumusugal na papunta lang ang
Dala namin pamasahe
Hinasa ang mga pangil kaya
Marami ng nilalagari, ahh
Kinapalan ang balat para matawag na alamat
Aakyatin, ilanmang palapag
Lalakbayin kahit nakatapak
Sa'n man dalhin laging nakasagad?
Aasarin pa raw na payat, eh pinasan sa likod
Inangat ko 'to para matanaw ng lahat
Na maraming diamanteng, nakatago sa Norte
Na kailangan lang masinagan ng konti
Mapakinggan ang boses, maisama sa konsyerto
At gamit ang mga likha na kanta
Parang pirma at lagda, mag-iiwan ng marka
Tiga-saan ka?

Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)

Sa haba ng aking binyahe't
Tinagal ko na panahon
Imbis kalawangin ay lalo lang nagpaka-angas
Para 'di maging patapon
Malabo na mabalago'ng 'tong
Pang-kampeon ang makatang paragon
Ang batang Malabon, sino ba 'yon?
(Kapitan Abaddon)
Kahit sa'n man ako mapunta't
Dalhin nang pagkakataon
Markado na 'tong uno, otso, siyete
Sa'ng tapat na kampon
Magkaro'n man ako ng milyon-milyon
At magarang mansion
Ako pa rin 'yung ika-unang sumpa ng Catmon
Ngayon ang bayan na kinamulatan ay
Nilagay ko sa mapa
Sa tulong ng mga mahuhusay ko na kasama
Pag-usapan ay Tagalog rap
'di na kailangang magpakilala matik na
Alam mo na kung sino'ng mga nakabalandra
(Thugs! Thugs)
Sa puso nakatanim at palagi ko na dadalhin
Habang buhay 'di para malimot
Ang tanging lugar kung saan nahasa't tumalim
Malabon ang siyudad, malabong mahubad pa 'to
Sa'king pangalan na naka marka
Kilalanin man o hindi walang problema
'Yan ang babandera kahit saan makarating

Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)
Where you from homie? Raise yo' flag homie!
(Taga-saan ka? Taga-saan ka?)

Ikaw, taga-saan ka?

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret