Bukas Palad Music Ministry - Awit ng Paghahangad lyrics

[Bukas Palad Music Ministry - Awit ng Paghahangad lyrics]

O Diyos, Ikaw ang laging hanap
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo
Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari, ang Diyos
S'yang dahilan
Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makamtan

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak

Umaawit, umaawit umaawit akong buong galak

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret