Cup of Joe - Estranghero lyrics

[Cup of Joe - Estranghero lyrics]

'Di na alam kung ba't na ganito
Mga kilos ay nagbago
Pipilitin pa ba o kusang lalayo?
Sa puso mong nanlalabo

Ang dating alam, panaginip na lang
Mga sana'y 'di mabilang
Hinahanap hanap, tamis ng nakaraan
Ba't tinatalikuran?

Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa'yo
Minamahal kong estranghero

Lagi na lang akong nangangapa
'Di na kita matimpla
Hanggang dito na lang ba tayong dalawa
Pupunta na lang ba sa wala

Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa'yo
Minamahal kong estranghero

'Di man lang nagsabi biglang umalis
Kasama ka ngunit ba't nangungulila pa rin
'Di mapinta ang nadarama
Ang anino mo'y 'di na makilala

Kahit na litong-lito sa iyo pa rin tutungo
'Di man sigurado, 'di pa rin hihinto
Isa lang ang sasabihin
Isa lang ang aking gagawin
Muli kitang kikilalanin
Minamahal kong estranghero

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret