Eraserheads - Tuwing Umuulan At Kapiling Ka lyrics

[Eraserheads - Tuwing Umuulan At Kapiling Ka lyrics]

Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid, t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta

Maari bang 'wag ka na sa
Piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na

Maari bang minsan pa mahagkan
Ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka't
'wag nang tumigil pa hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka, ahh ahh
Oh ohh

Maari bang minsan pa mahagkan
Ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka't
'wag nang tumigil pa hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret