Ex Battalion - Pakinabang lyrics

[Ex Battalion - Pakinabang lyrics]

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Honcho! Gano'n talaga ang ugali ng iba
Minsan ay mabait, kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang kaya halos tabunan ka
Ng masasakit niyang mga salita
(Yah, yah, yah)
Marami na 'kong nakilala sa'ki'y nakinabang
Kapag walang-wala ka na
'di ka nila kailangan
Anong pag-uusapan, wala namang baryangan
'Di ka dapat magtiwala
'yun lang ang kailangan
Napalingat ka, nako ingat ka
Dapat nakadilat ka
Kasi dapat 'di ka niya, 'pag nahimas ka
Lahat malilimas niya
Lahat ng kilos mo, nakikita niya
Kahit pa umiwas ka
Sa una pakitang-gilas, pero sa
Huli 'pag ubos na, lilikas na
(Hey) 'Di ka na, 'di ka na kailangan no'n
(Kailangan no'n) 'Di ba nga, sabi niya
"Anong pakinabang no'n?" (Pakinabang no'n?)
'Di mo na halata, napakautak no'n
Gusto nila lagi na bagyo, ayaw nila sa ambon

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Sabi nila, wala kang pakinabang
'di ka na kailangan
Kailangan daw 'yung bago, bagong magagatasan
'Yung hindi na pumapalag
Laging opo ang sagot
At higit sa lahat ng 'yon
'yung bobong 'di magtatanong
Mahabang panahon ang ginugol ko
Para marating ang katayuan ko pawis, luha
Oras at patak ng dugo ang puhunan ko
Pumusta nang walang katiyakan
Sa larong no'n 'di ko alam
Hanggang sa guminhawa at ang
Bulsa ko ay magkalaman
Bigla nang nakilala, tumabi na ang kumilala
Kahit na 'di ko kakilala
Lahat gusto na makasama
Kahit na 'di ko kapamilya
Lahat sa'kin ay umaasa
Laging nakasahod, unahan pa sa pila
Lahat gustong tumamasa
Ganyan sila pero bigay lang, kasi meron pa
Ba't ngayon biglang nag lay low
Porke't bangkosero na
'Yung mga dati na linta, noon saan na napunta
'Yan sila 'pag walang mahita
Sa'yo ay tapon ka (Pwe)

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Bakit paggising ko ay wala na sila?
'Yung mga kasama ko nung marangya
Ang buhay, mga kasama magsaya na nangako
Kung maghirap ay hindi mawawala
'Yan ang mga galawan ng
Gustong sumabay sa agos
Mabait sa harapan mo
Pero saksak sa likod pagtapos
Tapos, 'pag 'di mo matulungang makaraos
Bigla na silang mawawala
Parang nag-snap si Thanos
Nand'yan sila 'pag meron ka
'pag wala naglalaho na parang bula
Nasa'n na ba napunta 'yung akala na
Kasangga mo sa hirap at ginhawa, ayy, yah
Yah 'Yun nandiyan nung puno pa
Ang bulsa at pitaka
Mga para nang invisible nung
Kita'y 'di na visible
'Yung tropa mo na mawala
Ay para bang impossible
Noon, pero ngayon nasaan sila
Kung umasta ay para bang 'di ka na kilala

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Saan ka pa lulugar, sa mundo na puro boss
Handa kang bumargain sunod-sunuran
Kahit inaapi nang lubos (bos)
Sa mga gusto nila na mangyari
Iba ang 'yong kutob
Hindi ka pupwedeng umangal
Kahit pa ba na labag sa'yong loob
Kasi kahit ikaw pa ay mapaos o
Kahit ikaw pa ay mamalat
Kailangan mo lang na sumunod
Wala kang karapatang sumabat
Lalo na't hangga't ika'y mabigat
Nakita nila na ikaw ay nakaangat
Hindi ka nila basta bibitawan
Parang sa leeg mo na nakakagat
Parang vampi yeah, lahat ng dugo sipsip
Walang humpay, hanggang matuyo, parang sampay
Tapos ipapaligpit, goodbye, kapag sumuway
Palalabasing masama sa tao, ayy
Wala kang utang na loob
Para bang sumbat ng iyong inay, wala ka nga'y
At sa kanilang tanikala
Pumalag ka man 'di na kinaya
Pagkatapos ka nilang pakinabangan
Puro pahamig walang itinaya
Ganyan kagaling maghugas-kamay
Parang mga taong sumampalataya
Palalabasing ika'y masama
Para sasabihing hindi ka dinaya

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Yeah, ah, 'kala mo'y okay na
Kasi nakatulong ka
Binigay na'ng lahat ng gusto
At ultimo luho niya
Kaso pa'no 'pag gumuho ka (Pa'no)
'Yung wala ka nang madukot sa bulsa
Tablado ka na, may kaso ka pa
Sa'n ka pupunta
Talagang ekis, kahit sa'n mo pa titigan
Ikaw pa 'yung huhubaran
Pagkatapos mong bihisan
Mga dugyot ang pagkatao, walang kalinisan
Pagkatapos magsipaglamon, plato biglang iiwan
Mga hugas-kamay lang
Pero hindi 'yung pinagkainan
Bawat tanong ang daming rason
Ayaw mapagsabihan kaya malamang yari ka
Lalo na 'pag nagka badtripan
Talagang ikaw ang puntirya
'di ka na para pahagingan

Kaya mag-ingat ka
Lalo na 'pag madali kang makisama
Kasi maiisahan ka nila, 'di ba?
Kaya ngayon, sinasabihan na kita
'Pag pumili ka ng kaibigan, 'wag tulad nila
'Pag may kailangan sa'yo ay
Tyak na bubulagin ka
'Pag nakuha na, iiwan ka nila
'yan ang sabi ng iba

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala (Hey)
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
(Hindi mo kakilala)
Lahat ng kakilala ay makakaalala (Hey)
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
(yeah yeah) wala kang pakinabang
(Wala kang pakinabang, hey)
Sa mata ng nakinabang (Sa mata ng nakinabang)
'Katapos makinabang (Ooh woah, ooh woah)
Wala ka nang pakinabang (Ooh woah)

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret