Ex Battalion, O.C Dawgs - Santa, Santa lyrics

[Ex Battalion, O.C Dawgs - Santa, Santa lyrics]

Tsahahaha oC Dawgs, ExB!

Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hilingin sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

Pasko na naman maaalala ka syempre
Kaso kahit minsan ay 'di pa ako sinwerte
Lumipas na lang ang napakadaming Disyembre
Wala pa din si Santa
Ahh baka natabunan na ng nyebe
Medyo matagal na din akong nag-aantay
Dami mo nang sablay, kailan mo ilalagay


Sa medyas kong sinampay
'yung regalo mong ibibigay
Pasyalan mo naman ako para 'di ako nagtatampo
Kasi umaasa ako na matutupad mo pa
Rin 'yung mga sana ko

Mag magpapasko na naman, Santa
Sana naririnig mo 'ko, sa'n ka man naroroon
Ay ako na ang pupunta
Para 'di na kita maabala
'Di makisabay sa mga bata
Nang maidaing aking hiling
Na mga 'di mo natupad no'ng isang taong pa
Akala mo siguro 'di ko na maaalala
May atraso ka pa sa'kin ng isang bigay
'Di ako pwedeng makalimot
Baka pwede mo namang ibigay na ng sabay
'Di naman sa pagiging mapilit
Pero siguradong 'di ka makakalusot
Umasa ka na, Santa, hahanapin kita
Kahit sa'n ka pa magsusuot

Magandang umaga sa iyo, Santa
Malamig na ang simoy ng hangin sa kalsada
Habang nakadungaw ang ulo ko sa bintana
Iniisip na baka hindi mo na ako naalala
Kaya gumawa ako ng paraan
Para balikan mga sulat na
Sa'yo ko lamang nilaan
Kung 'di mo nabasa, ayos lang
Iba sa pakiramdam kasi alam
Ko na walang katapusan
Ang mga hiling ko sana mapansin mo
'Wag mo naman akong lampasan
Matagal ko nang inaasam na mabuo
Aking pamilya na ikaw lang nakakaalam

Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hilingin sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

Simula no'ng bata pa, sumusulat na
Hindi na makatulog nakamulat pa
Inaabangan kung nakuha mo na
Ang wish ko sa medyas nakasabit pa
Umaasa na maibigay robot na laruan
Matagal ko nang hiling, sana 'di ka maligaw
Nasa'n ka na ba, right now?
Busy ka pa rin ba? 'Di nawawalan ng pag-asa
Baka naman na traffic lang sa may EDSA
Kahit na matagal na 'kong naka-abang
Hindi naman ko na iinip sa
Regalo mo na sa'kin ibigay
Sa may Christmas tree mo na lang ilagay
Malamang ay masino na kalang bata
Na sa'yong regalo ay mas matagal nag-aantay

Ano ba 'yan
Lagi na lang katampo na kapag gan'to
Wala naman parang 'di naman totoo ka sa mundo
Ano ba'ng kulang ko
Ba't 'di mo makita ang sulat ko?
Napakadaya mo inuna mo mga kaibigan ko
Dahil ilang taon na din kasi ako naging sabik
Sa pagdating kaso wala pa din
Regalo na sasaluhin
Tatanggapin mo na sa kanya
Hanggang abutin ng pagtanda
Pero naniniwala pa rin akong
Sa Pasko darating siya

Dami ko nang tampo, palagi na lang gan'to
Ako'y nagtataka na baka talagang
Walang katulad mo
Sadya bang busy lang kayo o baka
Naman ay hindi ka totoo
Iniisip ka na lang sana sa taon na 'to
Pagkakataon ko na para mapansin mo 'to
Kahit tila madalas ako nakadukdok
Minsan gusto ko na din na manuntok
Sa inis na tuwing Pasko ay
Lagi na lang na nauudlot
Ang lahat ng regalo na inaantay
Ko lagi sa bubong
Mga medyas kong sinabit na lahat ay natutong
Mga sulat na naipon at naluma sa kahon
Pero okay lang naman basta bumawi ka ngayon

Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hilingin sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

Gusto ko pa sanang humiling
Dahil batid ko na ito ay tyak na makakarating
Subalit napaisip ako at biglang napailing
Dahil sa dami ng biyayang mero'n ako
Pwede ring sa iba na lang
Pangarap ang inyong maibigay
Sapat na sa'kin sa noche buena ay kasabay
Pamilya ko'ng kasama sa aking paglalakbay
Sa hirap man o sa ginhawa kahawak ko sa kamay

Ako'y may liham na nabasa
Tunay muli kong naalala
Pamilyar sa'kin bawat letra
Ito'y sulat para kay Santa na ang nilalaman
Sana naman kumpleto tayo sa Kapaskuhan
Tyak no'n ay masaya na 'ko kahit
'di niyo na 'ko pamaskuhan
Taon taon na lang po kasing naghihintay sa'yo
Sa pagdating mo ako'y walang kasing
Saya 'pag ito'y tinupad mo
Para bang ang liham na ito'y sulat ko
No'ng bata pa ako
Na binalik mo sa'kin, Santa
Bilang regalo sa anak ko

Wala akong malaking hiling sa'yo, Santa
Kundi makumpleto lang ang pamilya ko
Kasama sa simbang gabi at noche buena
Bago sumapit ang Pasko
Masayang nagpapalitan ng regalo
Habang 'yung iba nasa kusina
Wala nang mas sasaya pa, 'pag na kumpleto
'Yun lang ang kahilingan ko sana

Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hiniling sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hiniling sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret