Ex Battalion - Saya lyrics

[Ex Battalion - Saya lyrics]

Flip-D on the beat

Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

Sobrang saya, sobrang saya ko
Dahil sa dami dami ng mga lalaking
Nagkandarapa sa'yo ako ang napili mo
Tuwang tuwa, tuwang tuwa sa'yo
'Di ko na kailangan ng kayaman
Dahil sa'yo pa lang talaga panalo na 'ko
Kuntento na, kuntento na sa'yo
'Di na kailangan ng kung ano-ano pa
Basta masaya ka, 'yon ang mahalaga hey

Ikaw na lang ang kulang, buti dumating ka
Buhay ko na madilim naging masigla
Dating napakapait naging iba ang timpla
Buti na lang sweet ka, naging mas matamis na
Alam mo bang wala nang ibang
Mas matimbang sa salitang "Para
Sa akin ka lang" kaya 'wag ka nang magtaka
Kung ba't sumasaya 'ko
Sa'yo ko lang kasi naramdamang mahalaga 'ko
Maraming salamat, 'di ka nawalan ng ganang
Mapagana 'yung dibdib ko na nawalan
Na ng ganang huminga ngayong katabi na kita
Gumising na ang puso kong matagal nagpahinga

Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

Minsan mapapaisip ka na lang
Kung ano ba talagang totoong dahilan
Ng iyong kaligayahan
Mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan
Balewala man, basta alam ko
Na dapat pahalagahan ang tulad mo
Napapawi mo ang pagod, inaalis mo
Kung anong kinakatakot, hinahatid mo
Ako do'n sa alapaap, sa pagdating ko
Salubungin mo ng yakap, sabay halik mo
'Yan ang nagpapasaya
Ang mabuhay na kasama kita
Lahat ng bagay nag-iba nang makilala kita

Minsan gusto ko nang kamayan ang sarili ko
Sa dami ng tagumpay 'di mabilang sa daliri ko
Kahit ako kung minsan sa tadhana ay nalilito
Kung pa'no nagkapera na puhunan
Lang ang liriko
Tapos 'eto pa, dumating ka pa
Daig ko pa 'yung feeling ng nanalo ng limang
Bahay, kotse, alahas at pera
Maliwanag na lahat kahit pa na walang gasera
'Yan 'yung feeling ko sa piling mo
'yung feeling
Na hinding-hindi ko ipagpapalit
(Hinding-hindi ko ipagpapalit)
Nakangiting ninanamnam ang buhay
At sa bukas ay nasasabik (Ako'y nasasabik)

Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

Kahit na wala 'kong kotse't
Pera basta't kasama kita ako'y okay na
(yeah, yeah) , wala nang hahanapin dahil
Hindi mo masusukat ang kaligayahan
Sa kahit na ano mang materyal o bagay
Basta't tayong dalawa lamang
(Lamang, lamang, lamang)
Masaya tayong nagmamahalan, woah ooh, woah

Sobrang saya dahil nga kasama ka
Sobrang saya, pangarap ko'y abot ko na
Sobrang saya, 'di ko inakala na (Oh)
Ikaw ang dahilan ng kasiyahan (Oh)
Sana 'wag na 'yon magbago

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret