Hev Abi, Kristina Dawn - Kulay Downtown lyrics

Gabriel Abilla aka 110TreyHevAbi

[Hev Abi, Kristina Dawn - Kulay Downtown lyrics]

Ang rosas ay pula, lila ay asul
Sinong matamaan sa dala namin sapul
Silang mga mababaw tingin sa'min ay mali
Buhay walang drama kahit hindi madali
Oh, ang rosas ay pula, lila'y bughaw
Kahit magkamali, kahit gutom at uhaw
Kahit 'di ko na malaman kung ano na kasunod
Kahapong pangyayari ay sa limot nalubog

Oh, ang mata mapula, angas hindi ko mababa
Handa sa'n man tumapak at kampante
'Pagkat 'di na 'ko talaga nag-iingat, dahan-dahan sa pagsikat
Hirap makasabay, mga pangyayari mabilis masanay
Na lang talaga ang sagot sa hindi ko tinanong
Oh, ayoko na dito sa dako, sa'n na paroon?
Ang atensyong natoon ko sa musika, bumunga na't di na ko lilingon
Pasintabi sa nasagi sa nagkamali sa akin kahit 'di ka na bumawi
'Yoko na dagdagan mga nakapahingi palagi
Ako gano'n pa din kahit kumupal 'yung ugali sa kung ano ako no'n

Oh, ang rosas ay pula, lila'y asul
Kung sino matamaan sa dala namin sapul
Silang mga mababaw tingin sa'min ay mali
Buhay walang drama kahit hindi madali

Ang rosas ay pula, lila ay asul
Sinong matamaan sa dala namin sapul
Silang mga mababaw tingin samin ay mali
Buhay walang drama kahit hindi madali
Oh, ang rosas ay pula, lila'y bughaw
Kahit magkamali, kahit gutom at uhaw
Kahit 'di ko na malaman kung ano na kasunod
Kahapong pangyayari ay sa limot nalubog

Oh, ang rosas ay pula
Halo-halong kemikal 'gang masuka
Mabulaklak mga letrang mabula
Mga bagong sal'tang tunog paluma, yeah
Oh, ang lila'y bughaw
Nandito kami kahit na ando'n daw
Sa matang halata, ang bahid nakadungaw
Papel sa dila namin nalulusaw

Ang rosas ay pula, lila ay asul
Sinong matamaan sa dala namin sapul
Silang mga mababaw tingin samin ay mali
Buhay walang drama kahit hindi madali
Oh, ang rosas ay pula, lila'y bughaw
Kahit magkamali, kahit gutom at uhaw
Kahit 'di ko na malaman kung ano na kasunod
Kahapong pangyayari ay sa limot nalubog

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret