Jamie Rivera, Robert Sena - Ang Aking Dasal lyrics

[Jamie Rivera, Robert Sena - Ang Aking Dasal lyrics]

Nawa'y maging gabay, saan man magtungo
Tuwing nalulumbay, ilawan ng puso
Itong aming dasal, kapag naliligaw
Kami'y akayin mo, sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa iyo

Aming panalangin, nawa'y pag-ibig mo
O, diyos kami'y dinggin, ilaw sa 'ming puso
Sa bawat sandali, sa araw at gabi
Maging tanglaw namin
Itong aming dasal, itong aming dasal
Kapag naliligaw, kapag naliligaw
Habang nasa mundo, kami'y akayin mo
Kung sa'n patungo sa iyo

Panalangin namin kami ay pagpalain
Na kahit sa dilim nawa'y makita
Liwanag ng pag-ibig mong dakila
At di na mawalay sa iyong gabay

O, diyos aming hiling, nawa ay tanglawan
Payapang daigdig, at laging bantayan
Ang buhay na laging sa iyo umaasa
Puspos ng yong pag-ibig, ikaw ay manahan

Aming panalangin, aming panalangin
Tulad ng 'sang paslit, tulad ng 'sang paslit
Kami'y akayin mo sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa iyo
Kami'y akayin mo sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa iyo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret