Jom - Mahal lyrics

[Jom - Mahal lyrics]

Parang kahapon lang nung tayo'y
Magkasama pa
Di maiwasan sa gabing
Ako ay mangamba
Pagkat ikaw ang nakikita ko
San man tumingin
Parang na aaninag pa kita
Sa'king salamin

Parehas tayong may kulang
Wag na tayong mag sisihan
Sira na tayo wag na nating
Pilitin pang balikan
Utak ko'y di maayos
Kahit ang daming sinindihan
Kaya kung babalik ka pa?

Wag nalang
Kasi baka mas lumala't magka siraan
Bumibigat lalo pag pinipilit mapagaan
Siguro mas nasira tayo
Sa mga paraan
Upang di tayo mawala

Hirap na hirap akong itago
Lungkot na nararamdaman
Kaya gusto ko lang mapag-isa
Kahit pilitin kong baliktarin
Yung tama ay ganon parin
At alam kong mahal parin kita

Ba't di mo masabi sakin na
Hindi mo na 'ko mahal?
At di mo 'ko kayang tignan sa mata
Ng matagal?
Kabisado na kita
'Lam kong di ka masaya
Mga nakaraan natin ay iniisip mo pa

'Di mo masabi sakin na
Hindi mo na 'ko mahal
Siguro di ka pa handang
Mawala ng matagal
Sa'king tabi kahit pinapakita mong
May iba
Wag mong itago
Alam ko namang di ka masaya

Na aalala mo pa ba
Nung tayo'y magkalayo?
Madalas mang mag away
PALAGI paring SAYO
Pag dumidilim paligid
Sa'yo tumatakbo
Kahit papano na aayos
Utak kong magulo

Ang ayos ng lahat
Nung tayo'y magkasama na
Di ko alam kung
Bat lagi akong nagiging tanga
Kapag na aalala ko
Lahat ng 'di magandang
Nakalipas
Lagi ko parin 'yong dinadamdam
Nasasaktan na din kita
Kaya tinitigil ko na
Kahit alam kong mahihirapan
Ako mag isa
Ayokong umalis ka
MAHAL NA MAHAL KITA
Kaso ayokong makita
Na na dudurog ka

Ba't di mo masabi sakin
Na hindi mo na 'ko mahal?
At di mo 'ko kayang
Tignan sa mata ng matagal?
Kabisado na kita
'Lam kong di ka masaya
Mga nakaraan natin
Ay iniisip mo pa

'Di mo masabi sakin
Na hindi mo na 'ko mahal
Siguro di ka pa handang
Mawala ng matagal
Sa'king tabi kahit
Pinapakita mong may iba
Wag mong itago
Alam ko namang
'Di ka masaya

Hmm
Mahal na mahal kita
MAHAL KITA
Mahal parin kita
Hindi na 'ko masaya
'Di na 'ko masaya
'Di na 'ko masaya
'Di na 'ko masaya

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret