Moira Dela Torre - Pabilin lyrics

[Moira Dela Torre - Pabilin lyrics]

Ipikit man ang mata't
Hilingin na siya ay muling
Kasama, kausap, kapiling

Kailangang tanggapin na
Wala na siya sa akin
Ngunit ito ang mga pabilin

Yakapin mo siyang mahigpit
'Pag siya ay galit
Manatili sa kanyang tabi

Hawakan ang kanyang mukha
Tignan sa mata
Ipaalalang kakampi ka niya

Sana'y gawin ang lahat
Ng 'di ko nagawa

Paki balewala
Ang mga oras na siya'y
Masungit, at ulo'y mainit

'Pag kailangan ka niya
'Wag kang mag antala siya'y
Amuhin, at iyong pakainin

Yakapin mo siyang mahigpit
'Pag siya ay galit
Manatili sa kanyang tabi

Hawakan ang kanyang mukha
Tignan sa mata
Ipaalalang kakampi ka niya

Sana'y gawin ang lahat
Ng 'di ko nagawa

Sana'y wag magpahuli
Bilang lamang ang sandali
'Di man natin gustuhin
Ang oras ay 'di sa'tin

Yakapin mo siyang mahigpit
Sa bawat sandali
Na parang 'yon na ang huli

Sabihin ang nadarama
Na mahal mo rin siya
'Wag nang intaying mawala

Lagi mo siyang pakinggan
At lagi mong kakantahan
Sana'y gawin ang lahat
Ng 'di ko nagawa

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret