Parokya Ni Edgar - Maniwala Ka Sana lyrics

[Parokya Ni Edgar - Maniwala Ka Sana lyrics]

Nung una kitang nakilala
'di man lang kita napuna
'Di ka naman kasi gano'n kaganda, 'di ba?
Simpleng kabatak, simpleng kabarkada
Lamang ang tingin ko sa'yo
'Di ko talaga alam kung
Bakit ako nagkakaganito!
Ako'y napaisip at biglang napatingin
'Di ko malaman kung anong dapat gawin
Dahan dahang nag-iba ang pagtingin ko sa'yo
Gumanda ka bigla at ang
Mga kilos mo'y nakakapanibago
Napansin ko na lamang na
Nalalaglag ang aking puso
Badtrip talaga, na-i-in love ako sa'yo
T'wing kita'y nakikita ako ay napapangiti
Para bang gusto kong halikan
Ang 'yong mga pisngi

Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin
Upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa
Pag-ibig ko sa'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita, ahh

Nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa'yo
Kahit saan tumingin ay mukha
Mo ang nakikita ko
Pero bakit para kang naiilang
Ako ay iyong iniiwasan?
Ako'y nahihirapan, uy, wala namang ganyanan!
Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago
Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit
Ako nag-"I love you"
Kasi 'di na tayo tulad ng dati
Ngayon sa akin ay diring-dire

Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin
Upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa
Pag-ibig ko sa'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita, ahh

Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin
Upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa
Pag-ibig ko sa'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita, ahh

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret