Parokya Ni Edgar - Wag Ka Na lyrics
[Parokya Ni Edgar - Wag Ka Na lyrics]
Kaninang madaling araw at
Tinatanong mo ko kung saan
Ko nabili yung hikaw na regalo ko sayo noong
Tayo pang dalawa natawa nalang ako dahil
Nangangamusta ka eh tandang tanda ko pa
Kung paano ko nag-luksa nung iniwan mo ako
At sumama sa iba
Ikamusta mo nalang ako sa
Boyfriend mong maton
Na walang ginawa kundi mag-selfie
At tiktok maghapon
Kumpleto nga sa abs ngunti kulang sa ambisyon
Habang ako'y nandito lang sa
Bago kong gas station
At salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang hanggang ngayon badtrip
Ang buhay ko
At kailangan ko din yun pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas okay sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa
Wag ka nang mag-abang wala nang dahilan
Para balikan ko ang nakaraan
Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensya na
Marahil ay nakita mo na ako ay masaya
Kaya di ka mapakali at nagsisisi ka
Hindi mo matanggap na may mas hihigit sayo
Hinay-hinay lang kasi sa kaka-stalk
Sa girlfriend ko
You had me at my best
But she loved me at my worst
Yun yung sinabi ni popoy kay
Basha dun sa first
At wag kang mag-alala
Dahil napatawad na kita
Wala na kong paki-alam sayo
Wag ka lang manggugulo mag-move on ka sana
At nawa'y mahanap mo
Kaligayahan na nahanap ko
Nung nawala ka sa mundo
At salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang hanggang ngayon badtrip
Ang buhay ko
At kailangan ko din yun pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas okay sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa
Wag ka nang mag-abang wala nang dahilan
Para balikan ko ang nakaraan
Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensya na