Regine Velasquez - Tuwing Umuulan lyrics
[Regine Velasquez - Tuwing Umuulan lyrics]
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang
Sa piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na, oh
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa?
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka