Sarah Geronimo - Misteryo lyrics

[Sarah Geronimo - Misteryo lyrics]

Di na mahanap ang kasagutan
Natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan ng
Mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo
Pero wala lang ano bang kaugnayan
Sino bang di mahihirapan
Pag-ibig na kay alap, wala kang katiyakan

Teka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo

Sino bang dapat sisihin
Marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
Di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang
Teka muna, para bang akdang baybayin
Teka muna, na di ko magawang basahin

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo

Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko gulung-gulo ang isip ko
Ito'y palaisipang misteryo

Naririto, nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto, nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo

Pag-ibig ay sadyang may nakakabit daw
Na palaisipang misteryo isang misteryo

Interpretation for


Add Interpretation

Add extended interpretation

If you know what the artist is talking about, can read between the lines, and know the history of the song, you can add interpretation to the lyrics. After checking by our editors, we will add it as the official interpretation of the song!

Latest added interpretations to lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret