Sarah Geronimo, Gloc-9, Denice Barbacena - Sining ng Pinoy lyrics

Gloc-9

Gloc-9 [Aristotle Pollisco] Binangonan, Rizal, Philippines 🇵🇭

[Sarah Geronimo, Gloc-9, Denice Barbacena - Sining ng Pinoy lyrics]

Lahat ay napapahanga
Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa
Hindi ito haka haka
Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula
Mainit na parang baga
Pagmamahal sa bayan di maaapula
Nagliliyab na apoy
Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"
Ito ay sining ng Pinoy

Sama-sama tayong magbunyi
Ipalaganap ang sining natin
Huwag mag-atubili
Sa kahit saan mang lupalop ay hindi natatakot
Ipakita ang kaalaman at mag-abot ng sukli
Ipamahagi, ipamigay at ikalat ang punla
Pero huwag kalilimutan kung saan ka nagmula
Kulturang parang balong 'di
Nauubusan ng tubig
Ang taong nagtatagumpay ay kung
Sino ang masugid


Na gumuhit di pinilit na hilahin ang sinulid
Kahit mapurol ang gamit ay patuloy na umukit
Sa bato ng kapalaran, 'yan ang kailangan
Palagi mong tulungan ang iyong kababayan
Alalayan pataas kahit magkaiba
'Di katulad ng sa'yo ang
Sining na bitbit nila
Lagi mong tatandaan na kahit may nauna pa
Na ang pagkakaisa ay ang siyang mahalaga

Lahat ay napapahanga
Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa
Hindi ito haka haka
Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula
Mainit na parang baga
Pagmamahal sa bayan di maaapula
Nagliliyab na apoy
Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"
Ito ay sining ng Pinoy

Sama-sama tayong magbunyi
Ipalaganap ang sining natin
Huwag mag-atubili
Sa kahit saan mang lupalop ay hindi natatakot
Ipakita ang kaalaman at mag-abot ng sukli
Sari-saring man ang hilig, iba't ibang galing
Ngunit iisa ang puso kaya't iba ang dating
Ng sining na pinili ko o sining na pinili mo
Pihadong laging pulido ang sining ng Pilipino
Kaya't ating ipagdiwang ang ating kapatiran
Dapat pasalamatan ang ating pinanggalingan
Dahil dito ko inani ang bungang hindi hilaw
Sa puno ng Luzon, Visayas, Mindanao
Sa sayaw, sa litrato, pelikula, entablado
Pintor, eskultor o aktor sa teatro
Sa pagsulat ng tula o pag habi ng istorya
Musika na kinatha, maging ang arkitektura
Tulong tulong pataas kahit magkaiba
At 'di katulad ng sa'yo ang
Sining na bitbit nila
Lagi mong tatandaan na kahit may nauna pa
Na ang pagkakaisa ay ang siyang mahalaga

Lahat ay napapahanga
Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa
Hindi ito haka haka
Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula
Mainit na parang baga
Pagmamahal sa bayan di maaapula
Nagliliyab na apoy
Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"
Ito ay sining ng Pinoy

Lahat ay napapahanga
Saan man dumayo ay may palakpakan at tuwa
Hindi ito haka haka
Kahit malayo ang tanong ay saan ka nagmula
Mainit na parang baga
Pagmamahal sa bayan di maaapula
Nagliliyab na apoy
Pag sumigaw 'ko ang "Hoy!"
Ito ay sining ng Pinoy

Ito ay sining ng Pinoy
Ito ay sining ng Pinoy
Ito ay sining ng Pinoy sining ng Pinoy

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret