Shanti Dope - Maya lyrics
[Shanti Dope - Maya lyrics]
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Nagpaulan ng talento yung Panginoon
Sa bago kong henerasyon
Ang isipan na nakalabas sa kahon
Kapag isa ka samin alam mo na yon
Kahit lumaki sa kalsada, di pa din nawalan ng pag-asa
Para sa kabataan ko na kababayan wala kang hindi makakaya
Na para bang ibon na Maya, Malaya sa himpapawid gustong lumipad
Ano mang pagsubok ang makasalubong ay kayang dalhin kahit mabigat
Ang bagong pag-asa ng bayan, gumagawa ng kasaysayan
Di basta nagpapatangay sa agos, meron din gustong patunayan
Malaya ang pag-iisip, bukas ang puso at diwa
Sangkatutak na ideya sa utak ang nakapila
Diretso di tumitigil madami mang humihila pababa
Ay positibo pa din dalang enerhiya
Di nawawalan ng gasolina
Kahit malayo ang biyahe, nakakabingi man ang mga busina
Makina mainit pa sa kusina
Para sa kinabukasang gusto ko makita, bago sa kama dumilat
Di nila mapipigilang, kasabay ng bagong araw sumikat
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
May, puso't talino, may sipag, madiskarte
Sa iskwela, estudyante, pag sa bahay, negosyante
Nakalatag ang madaming pambenta sa garahe
Bangketa, sa tanghali ang presyo kalahati
Di natatakot sabihin ang gusto sabihin at walang piring sa mata
Hatid ay liwanag sa bawat silid na may kadilimang hindi makapa
Buong kalawakan napapabilib kasi malupitan na talaga
Mga kabataang napakasolido, kahit na di mo pa halata
Di papatalo kapag ang usapan ay sining at teknolohiya
Pinakabago, hindi nakapako na lang sa mga makalumang ideya
Parang bukas na libro walang itinatago
Paningin ay klaro sa mga gusto pa maging
Sa tuwing haharapin, taong nasa salamin
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Dahilan kung bakit nagsusumikap pa nang husto
Ay hindi lang dahil sa yamang materyal sa mundo
Kayamanang matatawag ay kung meron ka nito
Pamilyang nagmamahal, kaibigang totoo
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?"
Eto ang pitaka laging may pamusta
Parang Maya na malaya ang lipad
Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa