Skusta Clee - Noche Buena lyrics

Skusta Clee [Daryl Jake Borja Ruiz] Philippines

[Skusta Clee - Noche Buena lyrics]

Huh, Sauce
Ooh, woah, ooh, ooh, ooh, oh, oh, oh, oh
Yeah, woah, ooh, woah

Litrato mo sa'king telepono
Tinitignan ko magdamagan
Ilang taon ko ng sikreto 'to
Ayoko din nilang malamang
Damdamin ko'y binabalik sa'ting nakaraan
Sa t'wing dumadaan ang batang mangangaroling
Magkukunwaring parang walang narinig

Pero nakasilip sa bintana
Nakahawak ka sa'king braso't
Tapos sabay tatawa
Isa 'yan sa mga masayang naaalala
Ayokong buksan ang mga regalo kung wala ka
Wala ka

Ayoko nang mag-imbita
Mas pipiliin kong mag noche buenang mag-isa
Malabo rin naman kasing mapapunta kita
Hanggang ngayon hindi pa rin sanay
Na nagpa-Pasko nang 'di ikaw ang kasama

Kaiyak, nakakaiyak
Ilang Pasko nang 'di ikaw ang kasama
Kaiyak, nakakaiyak
Ngayong Pasko na, namang 'di ikaw ang kasama

Dama ko ba Pasko? Parang 'di na ('Di na)
Wala 'kong planong magpa-bisita (Isa pa)
'Yung lungkot, ayaw kong ipakita
Please, lang, 'wag niyo na muna 'kong
Kakatukin sa aking bahay
Walang babati ng Merry Christmas
Nagdadalamhati aming pag-ibig hindi naghari
Sa t'wing huling buwan ng taon gan'to lagi

Simula nung mawala ka gabi ng Pasko
Tanging hawak ko lang ay gitara
Madalas mapanaginipan, ikaw pa rin ang kasama
Ano pang dahilan para maghanda o
Magsaya kung wala ka?

Ayoko nang mag-imbita (Woah oh)
Mas pipiliin kong mag noche buenang mag-isa
(Mag-isa)
Malabo rin naman kasing mapapunta kita, hey
Hanggang ngayon hindi pa rin sanay
Na nagpa-Pasko nang 'di ikaw ang kasama
(Magpa-Pasko nang 'di ikaw ang kasama)

Kaiyak, nakakaiyak (Ooh, ooh, ooh, oh)
Ilang Pasko nang 'di ikaw ang kasama, hey
Kaiyak, nakakaiyak
Ngayong Pasko na, namang 'di ikaw ang kasama

Ooh, woah, oh, oh, oh 'di ikaw ang kasama
Pasko na, namang 'di ikaw ang kasama

Interpretation for


Add Interpretation

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret