Sugarfree - Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa lyrics

[Sugarfree - Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa lyrics]

Nandito na sya… maniwala ka na lang sa kanya
Pag sya na ang nagsasalita
Wag ka na lang mag-alala
Dahil mali ka at lagi syang tama
Lahat na yata ng iyong sabihin
Kayang-kaya nyang kontrahin
Wala na yata syang di kayang gawin
Wala na yata syang kasing-galing

Heto na sya, ang henyo ng henerasyon
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na sya, ang pinakamagaling na tao
Sa balat ng lupa ang laki siguro ng utak nya
Wala nang librong di pa nababasa
Siguro di sya tao
Alam na nya ang bawat sulok ng mundo
Kahindik-hindik ang nalalaman
Sa mga bagay na
Kailan man ay hindi pa nya nararanasan
Hindi masukat ang kanyang kagalingan

Kamukha na nya si Ernie Baron
May biyak din sa gitna ang barong
May kasagutan sa bawat katanungan
Kahit wala namang nagtatanong
Di bale nang wala syang kaibigan
Dahil hamak lamang tayong taga-lupa
Gawan na natin sya ng rebulto
At ilagay sa tuktok ng mundo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret