Sylvia La Torre - Cariñosa lyrics

[Sylvia La Torre - Cariñosa lyrics]

Kung pag-uusapa’y pag-ibig
Ang aking sadyang hahanapin
Ay isang lalaking makisig
Na may pusong di magtataksil

Makamit ko lamang ang langit
Hahamakin ko ang hilahil
Dahil sa ako’y cariñosa sa paggiliw

Ang buhay laging mamanglaw
Kung di makakamtan
Ang pagsintang tunay kailanpaman
Ay irog bigyan ng pag-asa
Ang tanging pagsinta ng pusong may dusa

Sisikapin ko sa pag-ibig
Na maging isang cariñosa
Nang matupad ang panaginip
Ng pusong sabik at may sigla

Tamuhin ko lang ang pangarap
Titiisin ko ang ligalig
Dahil sa ako’y cariñosa sa pag-ibig

Kung pag-uusapa’y pag-ibig
Ang aking sadyang hahanapin
Ay isang lalaking makisig
Na may pusong di magtataksil

Makamit ko lamang ang langit
Hahamakin ko ang hilahil
Dahil sa ako’y cariñosa sa paggiliw

Ang buhay laging mamanglaw
Kung di makakamtan
Ang pagsintang tunay kailanpaman
Ay irog bigyan ng pag-asa
Ang tanging pagsinta ng pusong may dusa

Sisikapin ko sa pag-ibig
Na maging isang cariñosa
Nang matupad ang panaginip
Ng pusong sabik at may sigla

Tamuhin ko lang ang pangarap
Titiisin ko ang ligalig
Dahil sa ako’y cariñosa sa pag-ibig

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret