Sylvia La Torre - Dahil Sa Polka lyrics

[Sylvia La Torre - Dahil Sa Polka lyrics]

Ang polka ay magandang tignan
Lalo’t ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan
Ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay
Sa galaw ng ‘yong katawan
Ang galak ng puso ko naman
Tila walang hanggan

Dahil sa polkang masigla
Ang damdamin ko’y nag-iba
Ang ibon man ay kumanta
At ang tanawi’y gumanda
Ang buhay ko ay sumaya di mo lamang napupuna
Puso ko’y biglang kumaba dahil sa polka

Ang polka ay magandang tignan
Lalo’t ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan
Ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay
Sa galaw ng ‘yong katawan
Ang galak ng puso ko naman
Tila walang hanggan

Kahit sa maghapon kung polka ang tutugtugin
Di ka magsasawa pag ito ang sasayawin
Lalo na kung tuwina
May kasayaw kang mahinhin
Ang sayawa’y nakakaaliw di na magmamaliw

Ang polka ay magandang tignan
Lalo’t ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan
Ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay
Sa galaw ng ‘yong katawan
Ang galak ng puso ko naman
Tila walang hanggan

Bumagay ka irog nang di ka mapagtawanan
Kung polka ang tugtog
Ay polka rin ang isayaw
Ang buhay kung minsan
Ay polka rin na magalaw
Mag-ingat lang sa bawat hakbang
Di ka malulumbay
Ang polka ay magandang tignan
Lalo’t ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan
Ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay
Sa galaw ng ‘yong katawan
Ang galak ng puso ko naman
Tila walang hanggan

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret