The Itchyworms - Awit Ng Barkada lyrics
[The Itchyworms - Awit Ng Barkada lyrics]
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa?
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Kahit sino pa man
Ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang
Na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami
Ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kung sa pag-ibig may pinagawayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y 'di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y magkatambakan
At mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
Kahit sino pa man
Ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang
Na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami
Ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan
Sa 'yo ay may nakalaan
Kami'y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan
Kahit sino pa man
Ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang
Na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami
Ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
(Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa)
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kasama mo kasama mo
Kasama mo