The Itchyworms - Soap O Pera lyrics

[The Itchyworms - Soap O Pera lyrics]

Wala ka nang pera sa daliri
'Di makanood ng sine
Wala na bang ibang magagawa
Wala na lang matatawagan
Wala na ding mapagusapan
Nood na lang ng TV mag-isa
Ang sagwa naman ng mga soap opera
Pare pareho lang ang storyline nila

Ang magulang di alam kung sino
Maging sila kaya sa dulo?
Ang tagapagsalba'y namamatay
Sisisihin na naman ang bida
Makakaaway ang querida
Ang kala mo patay mabubuhay
Nakatitig ako na para nang tuod
'Pagkat wala namang ibang mapanood

Sana, may pera na ko
At makikita niyo ang mga yan
Isa-isa kong babayaran upang pagbutihin nila
Ang paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad natin na walang pera

Kung dati ay chicanong drama
Ngayon naman ay chinovela
Ang susunod ba'y Iraqi opera?
Eto namang mga nakikiuso
Tauhan nga ay Pilipino
Ang pamagat naman ay Kastila
Wala na ba tayong ibang mararating?
Sa pangongopya lamang tayo magaling

Sana, may pera na ako
At makikita niyo ang mga yan
Isa-isa kong babayaran upang pagbutihin nila
Ang paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad natin na walang pera

Pera na lamang ba ang katapat mo?
Kung may nais kang marating
Eh 'di puntahan mo
Bakit ba takot na takot ka
Kung biglang magbabago
Kung may nais kang sabihin 'di sabihin mo
Kahit may bayad o wala (May bayad o wala)
Kahit may bayad o wala (May bayad o wala)
Wala

Sana, may pera na ko
At makikita niyo ang mga yan
Isa-isa kong babayaran
Upang pagbutihin nila (ang)
Paggawa ng programa
Nang matuwa ang mga walang magawa
Katulad nila na walang pera

Interpretation for


Add Interpretation

Add extended interpretation

If you know what the artist is talking about, can read between the lines, and know the history of the song, you can add interpretation to the lyrics. After checking by our editors, we will add it as the official interpretation of the song!

Latest added interpretations to lyrics

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret