The Itchyworms - Huwag Na Sana ’kong Gumising Mag-Isa lyrics

[The Itchyworms - Huwag Na Sana ’kong Gumising Mag-Isa lyrics]

Hawak ang 'yong kamay habang naglalakbay
Hindi pa 'ko sanay sana habang buhay
Yakapin mo ako wag munang lalayo
Ayokong mawala ating pagsasama

Di ko mapaniwalaan na
Ikaw ay nasa piling ko, sinta
Wala na kong kakailanganin pa
Kung ito ay panaginip lang
Ang buhay kong ito'y mawiwindang
Huwag na sana 'kong gumising mag-isa

Init ng 'yong haplos amoy ng 'yong pulbos
Hinhin ng 'yong ngiti sana di mapawi
Kuyugin mo ako ng mga yakap mo
Atin ang magdamag hindi matitinag

Di ko mapaniwalaan na
Ikaw ay nasa piling ko, sinta
Wala na kong kakailanganin pa
Kung ito ay panaginip lang


Ang buhay kong ito'y mawiwindang
Huwag na sana 'kong gumising mag-isa
Wala na kong kakailanganin pa
Kung ito ay panaginip lang
Ang buhay kong ito'y mawiwindang
Huwag na sana 'kong gumising na
Huwag na sana 'kong gumising pa
Huwag na sana 'kong gumising mag-isa

Interpretation for


Add Interpretation

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Interpret