Vice Ganda - Mahal Ako Ng Mahal Ko lyrics
[Vice Ganda - Mahal Ako Ng Mahal Ko lyrics]
Inalayan ng lahat ng sa akin
Ilang beses nang sumugal
Pero ako lang ang nagmahal
'Di pa rin ako tumigil magdasal
Ako raw ay mahirap ibigin
'Di daw nila makakayang tanggapin
At bigla kang dumating
Pinatunayan mo sa akin
Ako ay karapat dapat ding mahalin
Nagbago ang mundo nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko salamat sa iyo
At pinaramdam mo na mahal ako ng mahal ko
Ikaw ang tugon sa 'king mga hiling
Pag-ibig mo na kusang dumating
At niyakap mo ang lahat kagalingan at sugat
Minahal mo ako, bilang ako
Nagbago ang mundo nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko salamat sa iyo
At pinaramdam mo na mahal ako ng mahal ko
At kung meron mang hangganan
Hindi pa rin mawawala
Pasasalamat, sa iyong pinadama
Nagbago ang mundo nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko salamat sa iyo
At pinaramdam mo na mahal ako ng mahal ko
Kay sarap na mahal mo rin ako