Adie, Flow G - Paumanhin lyrics

Adie [Adrian Garcia] Philippines

Flow G [Archie Basilio Dela Cruz] Philippines

[Adie, Flow G - Paumanhin lyrics]

Kalaunan nagsilbi kang
Silungan sa gabing maulan
Kapalaran ay nagpasya
'Di naman sinasadya na

Masilayan nang malapitan
Sa presensya mo ako'y dalang-dala
Aba teka parang may mali
Hindi ito madali eh

'Di lubos maisip ang kahahantungan
Sa kadahilanang may hadlang
Sa nais simulan

Paumanhin
Kung pipilitin pa rin
Na sundin ang damdamin
Anong gagawin
Kung hindi ka talaga para sa akin
Paumanhin

Para sa kapakanan ng pag-ibig
Kasalanan man ang manaig
Kung hindi man palarin
Nawa'y ako ay patawarin
Kung sa 'king panaginip
Tayong dalawa

Balewala ang nasa paligid
Sasabihin ko kung anong
Gusto kong sabihin
'Di mahalaga kung 'nong iba ano isipin
Kasi ang sarili
'Di na nga masisi
'Di ko pa mapigil

'Di ko maturuan na ikaw ay layuan
Kahit masama mapalapit
Mga natutunan ko ikaw ang dahilan
Minsan masarap magkamali (word)

Sa iba ka man nakalaan
Gagawa ako ng paraan
Ayaw na kitang pakawalan
Dahil sa 'yo na napamahal

'Di lubos maisip ang kahahantungan
Sa kadahilanang may hadlang
Sa nais simulan

Paumanhin
Kung pipilitin pa rin
Na sundin ang damdamin
(Lihim na 'di maamin-amin)
(Lihim na 'di maamin-amin)
Anong gagawin
Kung hindi ka talaga para sa akin
('Di pa ba halata na gusto nga kita)
Paumanhin

Para sa kapakanan ng pag-ibig
Kasalanan man ang manaig
Kung hindi man palarin
Nawa'y ako ay patawarin
Kung sa 'king panaginip
Tayong dalawa

Paumanhin kung iibigin ka nang palihim
Paumanhin kung iibigin ka nang palihim
Paumanhin kung iibigin ka nang palihim
Paumanhin kung iibigin kita
Paumanhin kung iibigin ka nang palihim
Whoa
Paumanhin hmm
Paumanhin

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret