Angeline Quinto, Regine Velasquez - Lipad Ng Pangarap lyrics

[Angeline Quinto, Regine Velasquez - Lipad Ng Pangarap lyrics]

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Katuparan ng iyong pangarap
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi, whoa

Tutularan ka ng sunod na saling lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi, whoa

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Kamtin mo sa dulo ng
Lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay whoa
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret