Because - Alastress lyrics

[Because - Alastress lyrics]

Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa
Mo sa labas?
Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras?
Wala pa ba sayong naghahanap
Ayoko sana na maging
Istorbo saiyong pagsasaya
Alam ko naman na merong ganap
Pero ang magulang mo ngayon
Malamang nag aalala, dapat umuwi ka ng maaga
At hindi naman yun para lang sakanila
Alam mong madilim na sa kalsada
Iniwanan ka na ng iyong mga kasama
Mataas ang tyansa mo ngayon na mapahamak
Minor de idad ka palang
Pero ang lakas mo nang makainom
Sabihin nalang nating masarap talagang
Tama ng alak
Pero mga kasama mo'y masasama ang intensyon

Ala stres ng madaling araw asan ka na ba

Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa
Mo sa labas?
Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras?
Wala na ba sayong naghahanap
Alam ko na masarap maging kolehiyala
Pakiramdam mo ay alam mo na lahat
Ang pag iinom ay iyo nang napagaralan
Kaya dyan ka nalang bumabagsak
Ang baon na binibigay sayo ng yong magulang
Ginastos mo nalang lahat sa toma
Sila'y pinunong puno na, hindi naman
Nagkulang pero sumosobra ka na
Kelan ba hihinto yan?
Wala ka na bang balak na pumasok? kaya
Tinutulugan mo'y harap ng
Sinaraduhang pintuan
Imbis na matapos ang pagaaral
Tinapos mo ang yong kinabukasan

Anong oras ka na ba matutulog
Makinig ka sana sakin kung
Sakaling mahuhulog na
Bakit nakaposas ka na sa kamay nya
Umuwi ka na, anong oras na, anong oras na

Ala stres ng madaling araw asan ka na ba

Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa
Mo sa labas?
Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras?
Ang dami na sayong naghahanap
Bakit ba nakatayo ka lamang sa kalsada
At iba ibang bubong ang tinitingala
Nakapangalis pa tuwing madaling araw
Nagbibihis para lang mahubaran
Masyado ka naman atang na nalulong sa alak
Wala nang ibang mapagkakitaan
Ang yong katawan ay iyong
Ipinapahamak sapagkat yan
Na ang tawag mo saiyong kasiyahan
Ba't pinabayaan ang yong sarili
Ba't hindi malaman, sakali na maisip
Na kaya mo pa na sumigaw at pumiglas
Kumawala pero pinili mo nalang na manahimik

Anong oras ka na ba matutulog
Makinig ka sana sakin kung
Sakaling mahuhulog na
Bakit nakaposas ka na sa kamay nya
Umuwi ka na, anong oras na, anong oras na

Bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa
Mo sa labas?
Ano ang ginagawa nila ganitong oras?
Ngayon lang kitang nakitang humiga
Ngayon na't nakapikit nang yong mga mata
Sana sayong buhay ikay naging masaya
Dati ay marami pa sayong naghahanap
Ngayon ay alam na namin na wala ka na

Ala stres ng madaling araw asan ka na ba

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret