Because, Flow Minister , Ace Cirera, FTD - Nasamid lyrics

[Because, Flow Minister , Ace Cirera, FTD - Nasamid lyrics]

'Di ko na maramdaman ang binti
Nakasandal at nakangiti
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo
'Di na mababa ang mga pisngi
Pakiramdam parang bata ulit
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo

Panibagong blangkong pahina
Basta merong beat, ang panulat akin na
Sa tunog ay napapakanta
Larawan sa isipan siyang pinipinta
Natutulala, hindi makausap
Kakatawa, nanuyo na pati lalamunan
Kung sino nag-rolyo siya ang mauuna
Papunta sa taas hanggang sa malula
Humithit, inubo
Aking puso ay rinig sa bawat pagtibok
Nasa tyempo pati pagtaktak ko ng upos
Respeto lang sa kung sino bang kasunod



'Di ko na maramdaman ang binti
Nakasandal at nakangiti
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo
'Di na mababa ang mga pisngi
Pakiramdam parang bata ulit
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo

'Pag nagsasalita, kita mo ang usok
'Kala mo nasa Tate, nasa malamig na sulok
Ng kwartong madilim, "gusto mo bang tumikim"
May bumulong sa 'kin "pwede basta palihim"
Dati 'di pa kilala ang mga pangalan
'Di pa nadadampian ng maraming
Mata ang larawan
Naming magkakasama, laging may humahanap
Plano hindi pa hawak dati pero
Ngayon hindi na maawat
Mabagal usad ng sulo, hindi nagmamadali
Pasa mo sa kasunod, pasa mo sa katabi
Labing natutuyo laging nadadampian ng
Dulo ng hintuturo at dulo ng hinlalaki

'Di ko na maramdaman ang binti
Nakasandal at nakangiti
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo
'Di na mababa ang mga pisngi
Pakiramdam parang bata ulit
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo

Na 'di mapigilan
Ngiting karaniwan kong nakikita
Pambihira ka parang kalangitan
Lobong binitawan 'di na nahawakan
Pakiramdam ko sa tuwing
Lumulutang ako'y hinihipan
Pera o kaibigan, pamilya, kasintahan
Kalabisan daming pagpipilian
Sabay salubong ng dalawang ikot
Ng bulalakaw sa magkabila
Dahan dahan ang mundo ko'y natunaw
Parang nakalimutan ko na kandila
Tanginang pakiramdam 'to ay kakaiba
Handang tawirin
Lalagpasan limitasyon sa tuwing
Damdamin ko'y magulo
Mata'y namula 'kala mo ay napuwing
Pakiramdam parang bata ulit
Ganado palagi 'pag nangungulit
'Pag ganito sitwasyon, hirap tumayo
Parang ayoko na lang umuwi

'Di ko na maramdaman ang binti
Nakasandal at nakangiti
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo
'Di na mababa ang mga pisngi
Pakiramdam parang bata ulit
Ang tugtog lakasan nang hindi
Marinig ang ubo, ang ubo

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret