Because - Marlboro Black lyrics

[Because - Marlboro Black lyrics]

"Masama ka sakin, masaya ako sayo
Kaya bakit pa natin ipapipilitan
Ang hindi pwede?"
Sambit mo sakin pagtapos mong hithitin
Ang dulo ng 'yong sigarilyo
Magkahawak ang kamay, ngunit di mahigpit
At nagaantay nalang na isa satin ang bumiitaw
Kapalaran na siguro nating masaktan
"Masaya ka sakin, masama ako sayo"
Ngunit ubos na ang lahat
Upos nalang ang natira

Tatlong araw na tayong di nag uusap
Ni isa saatin dalawa'y 'lang balak makiusap
Alam nating pareho tayong nagkulang
At ang tayo'y 'la na ring patutunguan
Ngayon bakit nga ba tayo nagkita
Nakalimutan na't tila
Balak nating mag ayos ang
Lalo sating nagpasira diba sabi mo noon
Kung tayong dalawa'y maghiwalay
Ay magkikita rin sa tamang panahon
Ngayon aking napaisip, papano kung ganon
Kung tayong nga talagang dalawa'y
Bakit pa tayo dapat na maghiwalay ngayon
Kung ganon magbiro ang tadhana ay dapat
Alam nyang 'la kong oras
Makipag biruan ngayon
Wag mo na kong kulitin pa
Wag ka na ring sumagot
Kung sakaling kulitin ka
Kung magkasalubong wag na natin pansinin
Ang isa't isat pagkalito'y wag
Ng kunsintihin pa

Dahil, hindi ko kayang maging
Kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita
Pero tama na

Dahil, hindi mo kayang maging
Kung sinong gusto ko
Ibigay kung anong gusto ko
Ibigay anong nararapat saatin dahil
Di na natin kaya

Wag ng pilitin kahit pwede
Isipin ang sarili't wag na satin dumepende
Mas mahina na nga tayo
Sa sakiting nagkadengue
La tayong magagamot kung
Pareho tayong pasyente
Hindi mo ko kaylangan, at ganun ka rin sakin
Libro ng istorya nating dalawa'y sa
Simula lang kaaya ayang basahain
Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin
Talagang dapat mong asahan ang di mo aakalain
Ba't ba tayo naniwala
Pagmamahalan natin dati pa'y di alintanta
Ngayon dapat na limutin na ang ating ala ala
Kaylangan na magbura para matuto tayo
Lalo parang sulat sa pisara
Wag mo na kong tanungin pa
Masasaktan ka parin kahit aking saluhin ka
Panandaliang marka lang to satin parang henna
Pansamantalang pagmamahal di dapat ikadena

Dahil, hindi ko kayang maging
Kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita
Pero tama na

Dahil, hindi mo kayang maging
Kung sinong gusto ko
Ibigay kung anong gusto ko
Ibigay anong nararapat saatin dahil
Di na natin kaya

Paliwanag para sa


Magdagdag ng Interpretasyon

Magdagdag ng pinalawak na interpretasyon

Kung alam mo kung ano ang kinakanta ng tagapalabas, maaari mong basahin ang «sa pagitan ng mga linya» at malaman ang kasaysayan ng kanta, maaari kang magdagdag ng isang interpretasyon ng teksto. Matapos suriin ang aming mga editor, idagdag namin ito bilang isang opisyal na interpretasyon ng kanta!

Pinakabagong idinagdag na mga interpretasyon sa mga teksto ng kanta

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Mag-interpret